SANTI DARAGON POV
"Tito dalaga na ako. No need to worry about me!" Sigaw ng pamangkin kong si Anggie.
Ang tigas ng ulo. Itinuring ko na siyang parang tunay na anak kaya hindi mawala sa akin ang mag-alala tungkol sa kaligtasan niya. Namatay ang mga magulang niya sa isang car accident kaya naman nagkusa akong kupkupin siya at ituring na tunay na anak. Sakanya ako nakabawi sa pangungulila sa namatay kong anak.
"Basta from now on, may uutusan akong laging susubaybay sayo. Delikado ang mga situation ngayon Anggie. Wag ng matigas ang iyong ulo. Iniisip ko lang ang kaligtasan mo." Maawtiridad na saad ko.
"But I can't undestand! Anong sitwasyon ba ang sinasabi mo Tito? This past few days, lagi kang wala dito sa bahay at kung hindi naman ay late kana umuuwi. Ano ba talaga ang nangyayari? Na parang pati ako ay nadadamay na rin!? "
Natigilan ako sa sinabi niya. Ngayon ko lamang iyon naisip. Ngunit ang ginagawa kong ito ay para sa namayapang mag-ina ko. Hindi ko ito pwedeng sabihin sakanya. Ang tunay na nangyari sa mag-ina ko dahil hindi lang din niya maiintindihan and worst ay baka kamuhian niya ako.
Kahit ganitong mundo ang meron ako ay sinikap ko siyang palakihin ng maayos. Gusto kong itama sakanya lahat ang mga pagkakamaling nagawa ko noon.
Upang iwasan ang hahaba pang argumento ay minabuti kong iwanan nalang siya.
Sakto namang paglabas ko ng pintuan ay nakatanggap ako ng tawag. At magandang balita ang kanilang sinabi kaya naman nagmadali akong umalis papunta sa hide-out.
Ng makarating ako sa hide-out ay nandon na ang isa sa mga tauhan ko para salubungin ako.
"Boss dinala na din namin ang isang anak niya. Pero ang problema ay nakatakbo ang isa at hindi namin nahanap agad dahil nagsi-datingan ang mga pulis." Balita niya sa akin habang nagalalakad na kami papasok sa loob.
"Bobo! Madumi kayo gumawa!" Bulyaw ko sakanya at binilisana ng paglakad.
Napangisi ako sa nabungaran kong nakatali sa upuan.
"Hayop ka! Itigil mo na yang masasamang plano mo dahil hinding-hindi ka magtatagumpay!" Matapang na sigaw niya sa akin. Kaya naman nagsisimula na namang mag-init ang ulo ko.
"Hahaha! Talaga? Hindi ako magtatagumpay? Maghintay ka sa susunod na gagawin ko!" Lapit ko sakanya at hinawakan ang panga niya." Oras ko na Socrates sa paniningil sa ginawa niyo sa anak at asawa ko! Ng dahil sainyo ay nawala sila ng sabay!" Diniinan ko ang pagkakahawak sa panga niya.
"Nangyari ang mga yon sakanila dahil dyan sa mga masasamang gawain mo! Isa kang salot sa lipunan! Pwe! At sinasabi ko sayo! Kahit patayin mo pa ako, hinding-hindi ka magtatagumpay sa balak mo!" Sigaw niya sa mukha ko kaya naman inihampas ko ang ulo niya sa mesa na dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.
"Sino ba kayo!! Pakawalan niyo kami dito!!!" Sigaw ng isang binata na katabi niya.
"Mas mabuting itikom mo nalang yang bibig mo bata." Nginisian ko lang siya tyaka tinalikuran at pumunta sa opisina ko.
Simula na ngayon ang paghihiganti. Pagsisisihan nilang lahat ang ginawa nila sa mag-ina ko.
JANJIE KANE SOCRATES POV
Ng gabi ding yon ay kinausap ko si Angel upang dahil ako kay Terorra. At ngayon nga ay on the way na kami sa bahay nila.
Umalis kami kaninang madaling araw gamit ang private plane na pinadala daw ng Ama ko. At ngayon nga ay lulan na kami ng sasakyan at medyo malayo din pala ang bahay nila dahil higit apat na oras na kaming bumabyahe.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...