JANJIE KANE SOCRATES POV
Ito na ang pinaka-hate lahat ng estudyanteng tulad ko. Ang final exam. Dahil dapat ay sunog kilay talaga. Dahil sa school namin, kapag final exam ay simula prelim hanggang finals ang coverage ng exam tapos ilang items lang ang ibibigay.
Si Chua ay tinext ko na kagabi na dapat mag-review siya at dapat ay makapasa siya sa mga exam niya kung gusto niyang maging okay kamin. At sa tingin ko naman ay makikinig siya sakin dahil umo-o siya.
"Anak, kape ka muna. Ginawan din kita ng sandwich. Para naman papasok talaga lahat niyang nire-review mo at para wag kang magutom." si Mama na kakapasok lang dito sa kwarto ko.
Ang dami-daming kalat dito sa loob ng kwarto ko ngayon. Mga papel na nagkalat dahil ang ginagawa ko ay mag-outline/summary ng mga reviewer ko. Mas madali kasi para sa akin ang mag-review kapag ganon. Habang nagsusulat ako ay may kaunting pumapasok na agad sa utak ko.
"Sige po Ma. Salamat." Sagot ko na hindi tumitingin sakanya dahil tutok ako sa ginagawa ko.
Ganito kasi ako kapag may ginagawa lalo na kapag tungkol ito sa pag-aaral ko. Kung pwede sana ay ayoko ng iniistorbo ako. Nasabi ko na din iyon kay Chua at naiintindihan naman niya ako.
__________________________
"Te! Kumusta? Nakapag-review ka ba ng ayos kagabi? Kasi ako!?? Kaloka te! Ayaw pumasok ng mga nire-review ko!" Bubgad sakin ni Allan.
"tsss. Anong bago? For sure nag-facebook ka lang ulit magdamag kesa magbasa. Nagbasa lang ako." Sagot ko naman sakanya.
"Wow! Hambog ka talaga te! Sinasabi mo na namang nagbasa ka lang tapos mamaya, pasabog na naman ang score mo sa exam! " irap niya sakin. Habang ako ay inaayos ang mga gamit ko dahil papasok na kami sa classroom. Sumaglit muna kasi kami sa canteen. "Hay! Kaloka talaga! Sana matapos na ang araw na to dahil gusto ko ng magbakasyon!" Dagdag pa niya ng magsimula na kaming maglakad papunta sa room
Kung siya ay excited magbakasyon. Ako ay hindi. Dahil pagkatapos ng araw na ito ay mag-iimpake na ako dahil ihahatid na nila ako sa probinsya. Sabi ni Mama ay siya na daw ang bahala sa mga credentials ko dito. Ipapadala nalang daw kay Tita para si Tita na ang bahala sa lilipatan kong school.
"Oy te! Ayan si poging Chua oh. Palapit na. Una na ako sa loob." Napatingin naman ako sa unahan at nandon nga si Chua na palapit sa amin. Tinanguhan ko lang naman siya at pumasok na nga sa loob.
"Goodmorning babe! Sumaglit lang ako dito para sabihin sayong goodluck sa exam mo at wag mo ako masyadong isipin para makapag-concentrate ka sa pagsagot sa exam." Tssss. Umagang-umaga ay nagyayabang nanaman siya.
"Oo na. Ikaw din. Sana ay hindi ka nalang pumunta dito. Pwede mo namang itext nalang e. Pinagod mo pa sarili mo. Galingan mo din. Para naman matuwa mga magulang mo kapag nalaman nilang matataas ang resulta ng exams mo." Sagot ko.
Yun lang naman talaga ang sinadya niya at umalis din agad. Kaya naman pumasok na din ako. At wala pang ilang minuto ay pumasok na din ang proctor namin.
"Okay class! Two seats apart! Go!" Palakpal pa niya at nagmadali naman kaming lahat gumalaw at inayos ang kanya-kanyang upuan.
Ng mapatingin ako kay Allan ay nakasimangot. Kahit naman anong sabihin niya ay hindi ko siya papakopyahan.
Ang ibang estudyante din ay nagbubulung-bulungan. Nagrereklamo sa two seats apart na sinabi ng proctor.
Ang mga proctor talaga ay tyaka mo lang sila makikita kapag exam. Dahil iba ang lecturer dito sa proctor.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...