MAITTA LASTRILLA POV
blue_maiden
Masaya ngayon ang lahat
Halos patapos na din ang party. Kahit iilan nalang kaming natira ay sobrang saya parin. Ang sasaya ng ngiti ni Jake. Inlove talaga ang gaga. Kanina pa sila nilalanggam ni Chua. Haha!Katabi ko din si Red. Sobrang bilis talaga ng panahon. Ang dami ng nagbago. Ang daming nangyari. Kami na ni Red at sobrang ayos na ang lahat.
"Wow Maitta ha!? Mahiya ka kay Papa Red! Kanina kapa duma-damoves dyan e! Hahaha!" Sigaw ni Allan at napadilat ang mga mata ko. Pinapahiya na naman niya ako.
"Whoooooo! Cheers sainyo! Punyeta! Kailan kaya may magkakagusto sa akin!?" Singit naman ni Ulo na kanina pa yata may amats dahil kanina pa siya salita ng salita. Haha!
Pati din si Buddah. Kakaibang Buddah ang kaharap namain ngayon dahil panay din ang dada niya e madalas na siya ang pinakamatahimik sa amin grupo.
"Ehem! "Papansin ni Relk.
"Oy pre! Masama na ba pakiramdam mo?" Saad naman ni Syke.
"Sus! Nagpapapansin lang yan kay Buddah! Hahahaha!" Sigaw ni Davon. At napatingin kaming lahat sakanya tapos sabay sabay din naming ibinaling ang paningin namin kay Relk.
Seriously??? E tomboy si Buddah! Anong nagustuhan niya sakanya?? Wtf!?
"King ina naman pre!" Sipa ni Relk sa paa ni Davon. Hahahaha! Fudge! So it's true???
Pagtingin namin kay Buddah ay sobrang pula na at nakabusangot ang mukha. Para bang nawala na bigla ang kalasingan niya. Hahaha!
"Woiiii! Ano yan ha!!?? Babe oh...iingay nila. Sleepy na ako e!" Ayan na naman si Jake sa abnormal side niya. Haha! Nakayakap na siya kay Chua dahil sa sobrang tama na niya sa alak.
"Just continue guys. I'll be back. Ihahatid ko lang si Jake sa kwarto niya." Paalam samin ni Chua sabay buhat kay Jake.
"Aba! Talo mo na ngayon ang ganda ko! Ganern ba yon Tomboy!!??" Pagsusungit ni Allan sabay duro kay Buddah. Haha!
"Ulul! Isaksak mo sa baga mo yang kumag na Relk na yan. At ikaw lalake! Hindi tayo talo! Gunggong! Titi mo lang ang lamang mo sakin! Get lost! Tigilan niyo ako!" Sigaw ni Buddah. Hahahahaha! Ganito pala kasaya kapag nakainom kaming lahat!
"Aruuuuuuuyyyyy! Shet Relk! Akin na! Ako nalang sasalo sa puso mo!" Pang-aasar naman ni Davon tyaka nagtawanan ang lahat.
Paglingon ko naman sa katabi ko ay nakatingin siya sa may gawi ng gate at naka-kunot ang kanyang noo.
"Bhie..anong tinitignan mo doon? At bakit ka naka-kunot noo dyan?" Saad ko sakanya.
"Ha. .ha? Wa-wala bhie. Namamalikmata lang siguro ako. Medyo napa-dami na din kasi ang naiinom ko." Siya sabay akbay sa akin. At inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
Sakto namang pagbalik ni Chua at itinuloy parin ang asaran at tawanan. Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos. Basta sobrang saya at sobrang umiikot na ang mundo ko ng maihatid kaming lahat ng mga katulong sa guest rooms nila Jake.
JANJIE KANE TERORRA POV
Arrrrrrgh!!! Grave ang sakit ng ulo ko!
Bumangon ako para umupo at isandal ang likod ko sa headboard ng kama ko. Parang hindi ko kasi talaga kayang tumayo dahil sobrang sakit ng ulo ko.
Nasa ganong ayos ako ng marinig kong may bumukas sa pintuan ko at pagtingin ko ay si L pala na may dalang tray ng pagkain at may kasama pang white rose. Kainis! Umagang umaga, nagiging korny na naman ang isang to.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...