Chapter 45- the enemy

1.8K 62 3
                                    

SANTI DARAGON POV

Sige lang Terorra! Bakuran mo yang anak mo. Gugulatin kita isang araw.

Napangisi ako ng malaman ko kung anong nangyari sa tauhan. Hindi maikakailang anak nga siya ni Terorra sa husay niyang makipag-balian ng buto. At sobra akong napapahanga dahil sa katunayang babae siya ay marunong siyang makipaglaban.

"Ano boss? Dadakpin na ba namin siya?" Tanong ng isa sa mga tauhan ko.

Nandito kasi kami sa aming hide-out kung saan pinapatawag ko lahat ng mga tauhan ko upang malaman kung ano na ang nangyayari sa pinapagawa ko sakanila.

"Wag nalang muna ngayon. Hahanap tayo ng tamang tyempo at titiyakin nating magugulat silang lahat sa gagawin natin." Kalmadong sagot ko.

"Buhay ang kinuha sa akin kaya buhay din ang gusto kong kapalit. Ipaparanas ko sakanya kung gaano kasakit mawalan!" Nagtagis ang mga bagang kong sigaw sakanila.

Ng makita ko sila ay tahimik lang silang lahat na nakatingin sa akin.

"Si-sige na. Lumayas na kayo dito. Ipapatawag ko nalang ulit kayo kapag kailangan ko ng impormasyon." Pagtataboy ko sakanila habang hinihimas ang sentido ko.

Masyado na naman akong nadadala ng emosyon ko.

"Ano na ba ang pina-plano mo ngayon boss?" Si Ronel na kanang kamay ko.

"Wala pa sa ngayon. Titignan pa natin kung anong mga susunod na mangyayari. Basta mag-ingat kayo lagi sa bawat galaw niyo. Tanggalin mo lahat ang mga la-lampa lampa. Hindi ko kailangan ang mga tauhang inutil!" Sagot ko.

Saka tumayo para umuwi na muna ng makapag-palamig ng ulo.

Pero bago umuwi ay dumaan muna ako sa cementeryo ng mabisita ko ang mag-ina ko. Na namatay dahil sa katarantaduhan ni Terorra. -___-

"Malapit ko ng makamit ang hustisiya para sainyo. " bulong ko sa hangin.

"Pagbabayarin ko ng doble pa ang gumawa nito sainyo. Para sainyo tong ginagawa ko." Dagdag ko pa.

Ng makarating ako sa bahay ay agad akong pumunta sa study room dala-dala ang bote ng alak.

Simula ng nawala sila sa akin,laging ito nalang ang naging karamay ko.

Hindi ko na nagawa pang magpamilya ulit ng iba dahil pawang paghihiganti kay Terorra ang nasa isip ko.

Malapit mo na ring maramdaman itong nararamdaman ko Terorra. Maghintay ka lang.

LACHLAN CHUA POV

what am I doing right now was part of the plan. But damn!!!

I miss her so much! Gustung-gusto ko na siyang makausap. Gustung-gusto ko ng sabihin sakanya na alam ko na ang totoong pagkatao niya at isa ako sa mga gustong prumotekta sa buhay niya.

Fvck! I miss you babe...

"Sweetheart! Why? May problema ba? Ghad! Ang kulit ni Tito Santi talaga! Tsk! Ginagawa parin akong bata." Dabog ng kasama ko dito sa restaurant.

Crap! I'm with her again at naiirita nanaman ako dahil sobrang clingy niya.

"No-none! Anong sabi ng Tito mo?" Tanong ko dahil interesado ako sa magiging sagot niya.

"Tsss. Kagagaling lang daw niya sa cemetery. Tsk! So sad for him..nawala magkasabay ang asawa at anak niya." I tuned in for what is she saying. Hinahayaan ko lang siyang magkwento.




Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon