Chapter 6-what the fvck!?

3.7K 117 1
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

Shits!!! Eto na..bakit ba kasi gabi pa?? Mas lalo nanaman akong pagdududahan sa bahay na may boyfriend talaga ako. Ayaw kasi nilang maniwala. And worst. Hindi na ako pinapansin ni Papa..papansinin nalang daw ako kapag daw naiharap ko na sakanya ang nobyo ko. Jushko! Ano ba ang gagawin ko?? At ang king inang Ulo naman. Ay nalaman atang may atraso sakin kaya yun. Todo tago ang loko. Kabadtrip!

Nandito na kami sa highway. Gabi na kaya wala ng masyadong sasakyan na dumadaan. Ayos din ang race na to e kasi kahit babae ang kalaban okay parin. Nakita ko na din kasi yung makakalaban ko. Lalaki na matangkad at payat. For sure adik siya. Tsk! At ang demonyong Chua hindi ko pa nakikita ang anino niya. Ang kasama ko lang ngayon ay nagpakilalang Relk daw at barkada daw siya ni Chua. Hindi niya makita ang mukha ko dahil naka-attire nako. Suot-suot ko na din ang helmet ko. At wala akong balak tanggalin ngayon. Tyaka na kapag matapos na ang lecheng race na to. Gusto ko na talagang makauwi na agad dahil malalagot nanaman ako panigurado kay Papa. Tsk!


Mag-istart na. Ang astig ng motor ko. Kulay Green. Haha! Kay Chua daw to e. Sarap sanang ibangga para masira ulit kaso manalo ang goal ko ngayon.


"Hey! What's your name again? Are you sure you can do it?? You can still back off. Ako nalang lalaban." Halata sa mukha ng gagong Relk na to ang pag-aalala.


"Call me Jake. No worries I can do this! Just watch me. I swear I can beat that addict!" Sigaw ko dahil nga naka-helmet nako.

Pagkarinig ko ng go signal ay agad kong pinihit ang manibela. Sh*t! How I miss this. Ngayon ko nalang ulit ito nagawa at parang lumilipad nanaman ako sa sobrang bilis ko. Wahahaha!


Malupit din tong kalaban ko dahil medyo malapit lapit lang siya sakin. Kaya naman paulit ulit ang pagpihit ko sa manibela.

Scraaaaaaaaaaaaccccccchhhhhh!

Whew!!! King ina. Muntikan na kong matumba sa pagliko ko.


Here I come finish line. !

Medyo malayo layo na ang kalaban ko kaya tinodo ko na ang pagpihit and.....


I WON! ^^

LACHLAN CHUA POV

Sinadya kong wag ipakita ang presensya ko sa abnormal na yun at inutusan ko si Relk para puntahan siya dahil para siyang tatanga tanga na palinga linga.

Tignan natin kung gang saan talaga ang tapang mo ngayong babae ka! Tch.

"Pre! Sino ba talaga yung sasakay sa motor mo?? Kilala ba namin siya?" Makulit talaga si Davon dahil kanina pa siya tanong ng tanong. Tsk!


"Hindi. Pero makikilala niyo siya mamaya after niyang matalo." Walang ganang sagot ko.

"King ina naman pre! Bakit talo??? Pano na yung pusta ko??" Nagrereklamong sagot niya.

"I will pay you kahit triple pa. Basta ipanalangin niyong madisgrasya siya." Walang gatol na sabi ko sakanila.

Alam kong magtatanong pa sila kaya nagpasya na akong iwan sila at tumayo sa isang gilid dahil at any moment ay magsisimula na ang race.

She's really hot on her outfit tonight. Wais din tong babaeng to dahil hindi niya tinatanggal ang helmet niya. Nakikipag usap siya kay Relk na nakahelmet. Huh! Yabang mong babae ka!

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon