Lachlan Chua POV
"Oh m g!!! Grabe ka talaga Chua. Nasayo na ang lahat! Haha! Totohanan na talaga to? Ngayon mo lang to uulit gagawin e." Kantyaw sakin ni Davon. Na umastang nababading pa sakin ampota!
Lingid sa kaalaman ni Jake ay may pinlano akong sorpresa para sakanya. Ang abnormal kasi na yon. Nakalimutan niyang birthday niya ngayon.
"Goodluck pare! Haha!" Si Relk sabay tapik sa balikat ko.
"Iba ka talaga tsong!" Birong suntok naman ni Maitta sa dibdib ko.
"Galingan niyo din sa mga role niyo. Maya-maya ay hahanapin na tayo non kaya humanda na kayo." Sagot ko sakanilang lahat.
Medyo kinakabahan din talaga ako dahil sabi nga ni Davon ay ngayon ko nalang ulit gagawin to. Last na ginawa ko to ay noong highschool pa ako.
For sure Janjie forgot that this day, was her 18th birthday. Kakaiba talaga sa lahat ng babae dahil sa lahat ba naman ng pwede niyang kalimutan ay ang debut pa niya.
Kaya naman kinausap ko na naman silang lahat para tulungan akong isorpresa si Jake ngayong gabi.
I will be going to sing and dance tonight.
"Hoyyy! Tara na! Sabi ng Mommy mo kanina pa daw tayo hinahanap ng syota mong abnormal!" Tili ni Allan.
Wala namang makakarinig sa amin right now kasi sobrang lakas ng music sa labas.
And here we go.
Pumunta agad ako sa stage at agad ko ngang nakita ang mukhang naiinis/ nawawalan na naman ng pasensyang babae na palinga-linga at para siyang abnormal na prinsesa sa paningin ko.
Agad na ding pumunta sa kani-kanilang pwesto ang mga kasama ko sa planong ito. And kasama ang mga magulang niya pati na din ang pamilya ko. Yes, all of them, knows about this plan.
Ng tignan ko ulit siya ay parang magwo-walk out na kaya naman kinuha ko na ang mic.
"Ehem!" I cleared my throat. " saan ka pupunta abnormal na maganda ngayong gabi?" Mapang-asar na simula ko sakanya."pwede mo bang batukan ang sarili mo ngayon dahil nakalimutan mong debut mo ngayon?" At literal na napadilat siya ng mata.
"Oh! I forgot! Pero kahit na! Hindi sapat yon para pagtripan mo na naman ako ngayon!" Walang hiya talaga tong babae na to. Haha! Of course, dahil ayaw niya ng mga surprises pero pag andyan na sobrang gusto na niya. Haha! Nagtinginan ang lahat ng bisita sa gawi niya dahil sa sobrang lakas ng boses niya.
"Happy 18th birthday babe. Can you please a sit first?" Sabi ko at agad naman siyang binigyan ni Ciano ng upuan at kahit naguguluhan ay umupo naman ito." Ladies and gentlemen. I would like you to know how much I love this very beautiful celebrant. We started to a fake relationship until we both confessed our feelings to each other. God knows how much i'm afraid to lose her. And God knows that I will anything for her just to make her stay and happy in my life." Sinenyasan ko si Devon para ihanda na ang kakantahin ko.
Habang nagsisimula ang intro ay hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya.
If you walk away from me today
I am sure that who you were going to
Would feel the way
As I do baby it's you
Who fills up my lifeAnd if you walk away from me today
Wouldn't change a thing
Would still be singing celebration of you
Baby you do
You fill up my life
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
عاطفيةIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...