Chapter 27 - Beach/Bitch

2.3K 63 0
                                    

JANJIE KANE SOCRATES POV

Kainis talaga ang lalaking to. Ang hilig magnakaw ng halik. Pwede naman niyang sabihin at pagbibigyan ko siya. hihi!

"ay grabe te! Bakit ang tagal niyo naman ata? At tyaka L, hindi ba sasama mga poging kaibigan mo?" si Allan ng pasakay na sila dito sa sasakyan.

Dito ako sa harap katabi ko si Lachlan na magdadrive. Sila Maitta at Red sa unahang upuan sa likod at sa pinaka-likod naman sila Ulo, Budah at Allan.

"Nauna na sila. Sila na ang bahala sa mga aayusin doon. Let's go?" tanong niya sakanila.

"Yeeeeesss! Okay na kaming lahat dito." si Allan parin ang sumagot.

Pagtingin ko sa front mirror ay nakakatawa sila Maitta at Red. haha! Ang epic ng lagay nila.

Si Budah at Ulo naman ay tulog na. Habang si Allan ay nagse-selfie naman.

"Oi Mami Maitta. Himala tomboy hindi mo ako binabara ngayon. " ayan na si Allan. "Oh em G! hahaha! Jowa mo si Red?" nang-aasar na talaga siya. Nagngi-ngitian lang naman kami ni Chua dito sa harap. Nakikinig sa mga pang-aasar ni Allan kay Maitta. haha!

"Puta ka. Hindi ka makakarating ng buhay sa dagat kung hindi mo isasara yang bibig mo. Manahimik ka." haha! Asar na sagot ni Maitta. Si Red naman ay walang kibo pero namumula siya.

"Ina niyong dalawa dyan. Magpatulog kayo kung ayaw niyong pag-untugin ko kayo." si Budah. hahaa! Hindi talaga maitatagong mga kaibigan ko sila.

"Kaya hindi na ako nagtaka na ganyan ka e." ngumingiting umiiling si Chua.

Diko nalang pinansin dahil busy ako sa panonood sa mga nadadaanan naming magagandang view.

Sana talaga hindi nalang ako aalis. Sana talaga hindi nalang ako matuloy doon sa probinsya.

Actually hindi ko pa alam kung saang beach kami pupunta. Basta niyaya ako tapos pumayag naman ako agad . Kahit ito man lang ang mga maipabaon nila saken.Mga happy moments. Haaay! Ang drama ng buhay ko.

"What are you thinking? Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" puna sakin ni Chua.

" Ha? Wala no. San pala tayo pupunta?" pag-iiba ko sa usapan.

"Sa resort nila Davon near in Batangas." siya na tutok lang sa pagmamaneho.

" Uhmn....babe? Hindi ba umuuwi dito sa Piipinas mga parents mo? Tyaka pansin ko parang wala ka man lang relatives dito?" curious na tanong . Haha! Para lang akong tanga, dahil ngayon ko lang naitanong ang bagay na to sakanya.

"Umuuwi sila dito every summer. Why did you asked?" siya.

"Bakit? Masama bang magtanong ng ganon?" naiiritang sagot ko. " Every summer? So, ngayon ay darating sila??" dagdag na tanong ko..

"Yes, one of this days." ewan ko pero para bang nanlumo ko sa sagot niya. Hindi ba dapat may karugtong yon? Like, sasabihin niya na ipapakilala niya ako?

Masyado na yata akong assumera. But it hurts you know. Sa pagkakaalam ko kasi and my Mama once said to me na seryoso daw ang isang lalake kung kaya ka nitong ipakilala sa pamilya niya. Meaning, hindi pa siya ganon kaseryoso saken? T_______________T

Hindi ko n siya inimikn hanggang sa nakarating kami sa resort nila Davon.

Busy ang lahat sa pagluluto ng mga baon namin. Ang iba naman ay kumuha ng mga kahoy sa may magubat na parte para sa bonfire mamayang gabi.

Tumutulong naman ako sa pag-aayos nitong lamesa kung saan ilalagay ang mga pagkain mamaya. I'm with Allan.

"Oy te, may problema ba? Bakit parang ang tahimik mo naman yata?" -Allan.

"Lan, ka-kasi uuwi daw ngayon this summer ang pamilya ni Lachlan." sagot ko.

"Oh? E di wow! Ipapakilala kana niya sa pamilya niya. Haba ng buhok mo te! Naaapakan ko na!" palakpak pa niya.

" Yun na nga e. Hindi man lang niya sinabi sakin na ipapakilala niya ako." ako.

"Ayan kana naman sa pagiging negative mo! Ano ka ba? Mahal ka non no at ipapakilala ka non." siya.

"Sige then, maiwan na muna kita dito at hahanapin ko lang siya." paalam ko para hanapin si Chua dahil knina ko pa siya hindi mahagilap.

Ewan ko pero parang kinukutuban ako ng masama habang palapit ako sa isang cottage na sa tingin ko ay isang pamilya ang nandon. Madami sila at mukhang mayayaman base sa mga pananamit at kilos nila.

Ng malapit ako ay may narinig ako kaya naman lumapit ako sa isang puno ng niyog at doon nagtago. Malapit lang naman tong puno ng niyog sa kinaroroonan nila kaya dinig ko kung ano man ang mga pinag-uusapan nila.

"What are you talking about L? Shiera is your girlfriend. Right? Napakabait nitong nobya mo at talagang binisita pa niya kami doon sa Italy." boses ng isang babae. What the? Anong pinagsasabi niya?? Sinong Shiera??

"Pero hindi ko siya kilala. I have a girlfriend pero hindi siya." sigaw naman ni L.

"Why are you rejecting me?? Nasasaktan ako Lan..Bakit ka ganyan? Pumunta lang ko sa abroad tapos pinagpalit mo na ako sa malanding yon?!" maarteng sigaw naman ng isang babae.

I can't hold it anymore...ang sasakit ng mga naririnig ko. Para bang inaapak apakan nila ang buong pagkatao at puso ko. Bakit ganon? Bakit niya ako niloko??

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kaya naman minabuti ko nalang tumakbo palayo sakanila. I hate him like hell! Pinaniwala niya ako. Pinaasa niya ako. Pinglaruan niya ako.Sabi na kasi e...part lang ito ng paghihiganti niya sa nangyari noon sa motorbike niya.


Hindi ako bumalik sa cottage namin. Pupunta ako sa tabing dagat . Hindi ko na pa kayang tignan ang dinadaanan ko dahil sa pag-iyak ko kaya naman.....

booooogsh!

"I'm so-sorry mis-.....Hey are you okay? Why are you crying?" pilit niyang inaangat ang ulo ko dahil nakayuko ako.

"so-sorry din. Ye-yeah...I'm okay. Si-sige pasensya kana ulit." talikod ko sakanya.

"wait! I will accompany you." siya at sumunod sa akin. Hindi naman na ako tumutol dahil ayoko ng magsalita ng magsalita pa sa sobrang sama ng loob ko.

Ng umupo ako sa buhanginan ay ganoon din ang ginawa niya. Medyo malayo naman ang distansya niya sa akin.


Ang awkward lang dahil pinapanuod niya ako habang umiiyak kaya tinignan ko siya.


"Bakit ka pa kasi sumunod? " asar na tanong ko sakanya. Sabay punas sa luha sa pisngi ko.

"Mmmm..maybe because you need me?" presko niyang sagot kaya ako nabadtrip!

"Pwede ba! hah!? Wala akong panahong makipaglokohan sayo kaya please get lost!" sigaw ko sakanya.


"He-hey chill! By the way, I'm Sean Laurent...actually hinahanap ko yung kasama kong babae. Baka kasi kung ano na namang gulo ang gawin non kapag hindi ako kasama. Then nabangga mo ako..at umiiyak kapa so naisip ko na kailangan mo muna ng kasama at mamaya ko nalang hanapin yung kasama ko." mahabang paliwanag niya.

"Pwes! Hanapin mo na yung kasama mo dahil gusto kong mapag-isa! At hindi kita kailangan. Lumayas kana nga!" inis na pan-tataboy ko sakanya.

"uhmm. O-okay? By the way..what's your name?" siya ng nakatayo na siya.

"Hindi mo na dapat pang malaman dahil sinisigurado ko sayo. Hindi na ulit magku-krus pa ang landas natin!" pagsusungit ko parin at nag-kibit balikat lang siya at umalis na.

Peste siya! Panira ng pag-eemote ko. At tang-inang babaeng yon. Kung sino man yon bruha siya! Bitch! Kapal din ng mukha ng Chua na yon na lokohin ako. tch!Fvck them all!

Ang syota kong abnormal [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon