JANJIE KANE SOCRATES POV
Ilang araw ng hindi tumatawag si Chua sa akin. At ilang araw na din na hindi siya sumasagot sa tawag, txt at chat ko sakanya.
Naiiyak na ako sa tuwing naiisip ko kung ano na ba ang nangyayari?
T________T
Tinext ko si Maitta para tanungin niya si Red kung nasaan at kung ano ang pinagkaka-abalahan ni Chua. Pero ang sabi hindi daw alam ni Red.
Ganun din ang mga barkada ko at mga barkada niya. Puro sila wala ang laging sagot.
I know...there's something wrong here. Para bang lahat sila ay naglilihim sa akin. T_____T
Kaya naman no choice ako. Tinawagan ko kanina si Kuya Jeff para bisitahin si Chua kapag wala siyang duty. Kasi nag-aalala na ako na ewan.
At ang sabi naman niya ay sige daw. Babalitaan daw ako agad.
Katatapos lang ng klase ko at nandito na naman ako sa hospital kasi na-confine na naman si Lola kagabi.
Hinang-hina na siya. Ayaw na din daw niya magpa-dialysis dahil sobrang sakit na daw ng katawan niya tuwing tinuturukan siya ng karayom. Awang-awa man ako pero wala man lang akong magawa para doon sa nararamdaman niya kundi ang bantayan lang siya at papanuorin habang tinuturukan siya ng karayom para sa dialysis niya.
"Apo iuwi mo na ako. Ayoko na dito." Si Lola. Kaya naman napabaling ako sakanya.
Hinang-hina parin dahil ayaw niyang kumain. At simula pagka-dating ko kanina ay yan nalang palagi ang sinasabi niya. Ang iuwi ko daw siya. Tinawagan ko na din si Tita kanina at sinabi ang gustong mangyari ni Lola pero hayaan ko nalang daw siya. Dahil kapag inuwi daw namin siya ay siya lang din naman daw ang mahihirapan.
Tumayo ako mula dito sa upuan ko at tumabi sa bed niya.
"Wag na muna Lola. Mas maganda dito. Makakapag-pahinga ka at matitignan ka agad ng mga doktor kung may iba ka na namang nararamdaman. Gusto mo po kantahan nalang kita?" Suyo ko.
"Talaga? Kakantahan mo ako?" Para na talaga siyang bata. May pagka-ulyanin na din kasi e.
At hindi ko talaga namamalayan ang oras at ilang buwan na pala ako dito. Nakapag-adjust na ako ng todo-todo.
"Opo! Pero dapat pagkatapos kong kumanta ay kumain kana." Ako.
At sunud-sunod naman siyang tumango kaya naman napangiti ako at sinimulan ng kumanta.
For all the times
I felt cheated-
-
-God gave me you
You showed me what's real
And there's to life
Than just how I feelYou know that
I'm worthHabang kinakanta ko yan sakanya ay si Chua ang naiisip at ang pamilya ko. I am so blessed na sakanila ako napunta at kay Chua ako napamahal.
Pero bakit ganon? Kung kelan nakakaya niyo na at masayang-masaya na. Bakit kailangan pang dumating ang mga sunud-sunod na problema?
Gabi-gabi ako umiiyak simula ng hindi na nagpaparamdam sa akin si Chua. Feeling ko ay mag-isa nalang ako.
Feeling ko ay iniwanan na ako ng lahat. T________T
Pagtingin ko kay Lola ay tulog na.
"Nice knowing you po Lola." Bulong ko sa tenga niya bago bumalik sa upuan ko kanina na katabi lang ng bed niya.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...