JANJIE KANE SOCRATES POV
Hindi nakarating si Chua kaya naman madami na namang nasabi si Maitta. Haha!
May naging lakad daw kasi siya kaya naman inintindi ko lang siya.
Gabi na nang makauwi si Maitta at talaga namang nag-enjoy kaming dalawa.
Kasalukuyan kaming nasa sala lahat dahil day-off din ni kuya Jeff.
"Anak?" -untag ni Mama.
"Bakit po Ma?"
"Eh-ano..kasi.." parang hindi nya alam kung paano sasabihin.
Naghihintay lang naman ako.
"Tumawag kasi si Tita mo sa Cagayan. At kailangan nila ng makakasama sa pag-aalaga kay Lola mo." Sabi niya.
At na-curious naman ako.
Hindi ko alam kung anong taon at ilang taon ako nung huling punta ko ng Cagayan.
Ni hindi ko na nga ma-imagine kung ano na nga ba ang itsura ng lugar na iyon.
Taga-doon kasi si Mommy at lahat ng mga kapatid niya ay nandon. Siya lang ang naihiwalay sakanila.
Wala din akong masyadong ka-close sa mga pinsan ko sa side ni Mommy.
"Bakit ma? Napano daw po si Lola? So,pupunta po kayo don? Hindi na po kayo babalik sa abroad?" Sunud-sunod na tanong ko.
Umiling siya.
Hindi ko tuloy matukoy kung alin ba don sa mga tanong ko ang inilingan niya.
"Nakiusap ang Tita mo na kung pwede daw ay ikaw ang pumunta. Tutal, babantayan mo naman si Lola mo kapag bakante mo." Sabi niya na ikina-gulat ko.
Ako? Ako? Ako ang pupunta sa Cagayan?
At ano daw?
Ako ang magbabantay kapag bakante ko?
"Eh may mga pinsan naman po ako dun diba? Tyaka paano na ang pag-aaral ko?" Tanong ko uli.
"Sila ang mga makakatulong ko anak sa pagbabantay. Busy kasi lahat ng mga Tita mo kaya nag-usap-usap kami kagabi sa telepono na ang mga anak nalang namin ang magbabantay. Rotation kayo sa schedule ng pagbabantay.'' Explain ni Mama pero ganun pa rin.
Mabigat sa kalooban ko.
At higit sa lahat ay ayaw kong lumayo.
Paano nalang si Chua?
Ang mga kaibigan ko?
Iiwan ko sila?
Hindi! NO! AYAW KO!
"Hindi ka naman nila pababayaan don anak. Pagbigyan mo na ang Lola mo. Matanda na iyon." Kumbinsi din sa akin ni Papa.
Ang dalawa kong kapatid ay nakatutok lang sa pinapanuod nila.
"Pero ...pa??" Tutol ko.
Kulang nalang ay umiyak ako ng malakas gaya ng ginagawa ng mga bata para huwag na nila pa akong pilitin.
"Please anak.." si Mama.
Psh! Wala na!
Talo na naman!
"Si-sige po." Sumusukong sagot ko.
"Magpapahinga na po muna ako. Sabihan niyo nalang ako kung kailan ang alis ko." Walang ganang saad ko bago ako pumanhik sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ay saktong nagba-vibrate ang cellphone ko at tumatawag si Chua.
Nag-dalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi ang tawag niya.
Kusang namatay ang tawag pero tumawag ulit siya.
Lumapit ako sa lamesa kung nasaan ang cellphone ko and instead na sagutin ay pinatay ko.
In-off ko.
"I'm sorry babe. Not now."
Sambit ko sa isipan ko.
Humiga ako sa kamang dilat ang aking mga mata.
Tumitig ako sa blankong kisame.
At kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
Pupunta ba talaga ako?
Pero paano ang mga maiiwan ko?
Lalo na si Chua.
Kaya ko bang mapalayo sakanya?
Waaaaaaaaaah! T_____T
Naman kasi ehhhh!
Bakit ako pa??
Bakit hindi nalang sila kuya!
Shet! I can't decide right now though nakasabi na ako ng OO kay Mama!.
A/n: guys! I'm really sorry! Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang nangyari sa chapter na to! Nakakaloka! Sana sa mga nagreklamo; mabasa niyo po ito.
Sorry! Sorry po talaga! Godbless!
Please comment.vote.follow
-c h a r c a l👅
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...