JANJIE KANE SOCRATES POV
Nakahanda na ang lahat ng dadalhin ko. Sa probinsiya lang naman ako pupunta pero pakiramdam ko ay sa ibang bansa ako pupunta. Sobrang bigat sa kalooban ko.
Inilibot ko muna ang mata ko sa buong kwarto. For sure, sobrang ma-mimiss ko to.
Tsk! Ang OA ko na naman masyado.
Pagbaba ko ng hagdan, bihis na bihis na din sila Mama at Papa at ang dalawang kapatid ko.
Ihahatid sana nila ako hanggang probinsya pero nagdesisyon akong ako nalang at wag na nila ako ihahatid.
Lumiban pa talaga sa trabaho si Kuya Jeff para lang maihatid ako sa terminal. At si Kuya Oli naman ay mamayang gabi pa naman ang pasok niya.
"Ano? Tara na? Nag-txt nga pala mga barkada mo at pati si Chua, mauuna na daw sila sa terminal." Si Mama.
Tumango lang naman ako.
Habang nasa biyahe ay sobrang tahimik.
Siguro dahil ramdam nilang labag talaga sa kalooban ko ang umalis.
"Anak...are you okay?" Baling sakin ni Mama." Pasensya kana. Kailangang kailangan ka lang ng lola mo ngayon." Dagdag pa niya.
"Opo...naiintindihan ko." Ako na nakatingin sa labas. Sa mga dinadaanan namin.
Bus terminal......
Nandito na silang lahat bago pa man kami dumating.
"Bruha! Wag mo kami kakalimutan pagdating mo don ha? Wag kang papaligaw sa mga unggoy sa bundok for sure magagalit ng bongga si Papa Chua niya." Yakap sa akin ni Allan.
"Keep in touch. Txt txt at tawagan tayo lagi." Si Maitta.
"Yow! Ingat ka don." Mga barkada ni Chua.
Nginitian ko naman silang lahat bago ako lumapit kay Chua na nakatitig lang sa akin.
"You sure babe na ayaw mo talagang magpahatid?" Yakap niya sa akin.
"Wag na kaya ko na. At baka kapag hinatid mo ako, hindi na kita papayagang umuwi dito." Pagbibiro ko sakanya.
He kissed me on my forehead at pumikit naman ako para lalo ko pa iyong madama.
"I love you babe. Just call anytime kung gusto mong pumunta ako doon. Always take care and stay away from guys." Paalala na naman niya sa akin.
" i love you more. Oo na. Ikaw din dapat. Stay away from flirty girls. Iwas sa mga trouble ha?" -ako.
Kumain muna kami sa labas lahat bago sila tuluyang nagsialisan dahil pinagtabuyan ko sila.
Masakit para sa akin na umalis habang pinapanuod ka ng mga mahal mo sa buhay.
Tsk! I give out a sigh bago pumasok sa bus.
New environment and new people for sure ang madadatnan ko doon.
I opened my cellphone and there....
Ang dami nilang mga paalala sa akin. Lalo na yung dalawang kuya ko. Mamimiss ko talaga sila. Wala na akong makakaaway araw-araw. And si Papa....hays!
Goodbye for now...I'll be back soon as possible.
Habang nasa byahe, hindi ako makatulog. Na-lowbat na din ang battery ng cellphone ko dahil sa non-stop na music.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
Roman d'amourIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...