JANJIE KANE SOCRATES POV
Hindi ko alam kung naka-ilang stick ako. Halo-halo na kasi ang nasa isipan ko. Una ay yong biglang cold treatment sa akin ni Lachlan. Pangalawa ay yong kakaibang pakiramdam ko kay Jayle. Aish!
Ng medyo nilalamig na ako ay napag-desisyonan kong bumalik nalang sa loob. Bahala na. Kung ayaw niya ng pansinan, e di wag! Hindi ko siya papansinin!
Sa pintuan palang ako ay parang may pamilyar na tinig akong narinig. At paglingon ko sa table namin....
Shit! For real? Nandito siya??? Waaaaaah!
Nataranta ako sa paglalakad dahil gusto ko na agad makalapit sakanila. Katabi siya ni Chua habang ang iba ay halatang natutuwa sakanya lalo na si Jayle na kinukurot-kurot pa ang pisngi niya. Now I know kung bakit tatlong silya ang nasa tabi kanina ni Chua. Para yon kay Raprap.
Ng tuluyan akong makalapit ay agad ko siyang pinugpog ng halik sa psingi. At tawa lang naman siya ng tawa.
"Hahahahahahaha! Ta-Tama na Ma-Ma! Da-Dami na laway pishngi koooooo!" Reklamo niya habang tumatawa.
Ghad! I miss him so much!
"What the hell!? He called you Mama!!? What's the meaning of this kuya Lachlan??? May anak na kayo ni ate Jake? Agad-agad?? Oh ghad! Can't take it!" Hahaha! OA din pala tong pinsan ni Chua e. No doubt na magpinsan sila.
"OA lang te? Pareho lang kayo ni Maitta. Palibhasa kasi ay pareho kayong bagong salta sa barkada! Hahaha! Napulot yan dati nila Lachlan at Jake. Kinupkop tapos yang batang yan ay feel ang pagtawag sakanila ng Papa at Mama! Now gets niyo na ba mga iha?!" Turo ni Allan kay Maitta at Jayle.
Habang ang iba naman ay tunatawa habang napapailing.
"Who ish thish bitch Mama? She's vely ugly!" Hahahah! Turo ni Raprap kay Jayle at pagtingin ko kay Jayle ay literally na lumaki ang mata niya.
"Hahahaha! He's really a kid! Hindi marunong magsinungaling!" Tawa naman ni Relk.
"Yaaaaaaaaa! You're so bad little boy!!! Hindi kana gwapo! Pangit kana din!" Sigaw naman ni Jayle ng nakabawi sa pagkabigla niya sa pagtawag sakanya ni Raprap ng pangit.
"Aish! Ang iingay niyo! Hindi lang tayo ang tao dito!" Saway sakanila ni Budah.
"So what!? This is our Auntie's restaurant! They are free to go out if they don't like the noise!" Supladang sagot naman ni Jayle at inirapan siya ni Budah.
"Waaaaaaa! She's also a witch Mama!" Gulat na yakap sakin ni Raprap. Haha! Ang cute cute niya talaga!
"Will you please go outside Jayle?? Mga pre...labas niyo nga to. Nagkakalat ng kahihiyan." Inis na sabat naman ni Chua.
Lumabas nga silang lahat. As in...silang lahat! At kaming tatlo lang talaga ang naiwan dahil kumakain pa ng dessert si Raprap. He likes icecream so much. Ang dumi-dumi na nga ng nguso niya e. Pero nakakapang-gigil parin sa ka-cutan.
Burrrrŕp! "Oooooops! Sowly! Hihihi! I miss you Mama." Hahahahaha! Fvck!? Para kaming mag-ina na talaga dahil pareho kami kung dumighay! Ang lakas! Haha.
Aw..ang cute niya talaga maglambing. " i miss you more baby. Sino pala naghatid sayo dito?" Takang tanong ko.
"Uhmmn. Tito Led..kinuha po ako ni Tito Led Mama." Sagot naman niya.
"Pa-Paano? E nandito kanina si Red diba?" Baling ko naman kay Chua.
"Tch! Kaninang paglabas mo ay lumabas din si Red para sunduin si Raprap. Malapit lang kasi sila dito. Tinext kanina si Acid." Cold parin na sagot niya sakin.
"Tch!" Ako. Sabay irap sakanya.
Dinala ko sa labas si RapRap. Buti nalang at may malapit na children's park dito sa restaurant na pag-aari ng Tita Inday ni Chua.
Hindi ko din mahagilap ang mga kasamahan namin kaya naman nag-text ako sakanila.
At nagreply naman agad si Maitta na nasa Adventure area daw sila. Haha! Yung totoo? Meron ba talagang ganon?
Lumingon ako sa likuran, unaasang sumunod sa amin si Chua pero ni anino niya ay wala. Hay! He's unpredictable.
Kahit ngayong araw lang ay sobrang nananabik na ako sa kulitan namin at ka-sweetan niya. T_____T
"Mama?? You okay?" Kalabit sa akin ni RapRap. Kaya naman napabalik ako sa katinuan ko.
"Ye-Yes baby..c'mon? Play kana! I'll just watch you here." Sabay upo ko sa bench.
Agad naman siyang tumakbo papunta sa slide at nakipila sa mga bata doon na nag-i-slide.
Ganito ba talaga sa isang relasyon? Hindi mo maintindihan minsan kung ano na ba ang nangyayari sainyo? Pero hindi mo din maipaliwanag yung kaba na pakiramdam mo ay bigla nalang may mang-iwan at mag-sawa.
BINABASA MO ANG
Ang syota kong abnormal [completed]
RomanceIsa siya sa pinaka-kakaiba sa lahat. hindi ko maintindihan ang ugali niya ngunit, sobrang napamahal parin siya sa akin. Para sakanya ay isa siyang superhero na gusto/kayang ipagtanggol ang lahat ng nasa paligid niya mula sa mga taong gustong patayin...