CHAPTER 12
"Mine!" sigaw ko bago ko hinintay ang bola na nasa ere. Ipinosisyon ko ang braso ko at saktong pagtuntong ng bola sa braso ko ay malakas ko iyong hinampas pabalik sa kabilang net.
"Out.. out!" sigaw ni Trey pero hinabol ni Matthew ang bola kaya napahiyaw kami ng mahawakan niya ang bola pero hindi niya nagawang ibalik sa amin. Its our score!
"Whoooooo!" sigaw namin bago nag apiran ni Jane.
We are playing volleyball. Two on two. Si Trey at Matthew ang magkasangga habang kami naman ni Jane sa kabilang net.
"Gago! Its out! Why did you chase it!" dinig kong wika ni Trey kay Matthew.
"Hahahaha okay lang yan Trey. Hindi naman ibig sabihin ng out na ay hindi na natin mahahabol." Tumatawang wika ni Matthew pero binatukan siya ni Trey.
"Gago. Hindi mo nga nahabol!" kunot noong wika niya bago kunin ang bola kaya natawa na lang ako sa kanila.
Napatingin ako sa may cottage namin. Nandoon at nakaupo si Riggs sa may buhanginan habang nakatanaw sa amin. Bigla na lang akong napangiti dahil naalala ko ang nangyari kanina. Hahaha! Its just that his smile remains in my memory.
"Aray!" sigaw ko nang tumama ang bola sa ulo ko. Napakunot noo ako at napahaplos sa ulo kong nasaktan.
"Sinong nagbato?" kunot noong tanong ko sa kanila.
Biglang itinuro ni Jane si Matthew na ngayon ay hindi makatingin sa akin at napapito pa.
Itong abnormal na may saltik na ito! Inis na kinuha ko ang bola at binato pabalik sa kanya. Natamaan naman ang braso niya at napasigaw kaya natawa ako.
"Bakit mo ako binato?" tanong niya habang hinahaplos ang brasong natamaan.
"Binato mo ako e!" wika ko at ngumisi sa kanya.
"Hindi ko sinasadya yon no! Naglalaro tayo kung saan-saan ka nakatingin. Tignan mo baka naalog yung utak mo at maisip mo na wala kang pag asa kay Captain. Bwahahahaha!" wika niya na tumawa pa. Natawa din si Jane at Trey kaya pinanlisikan ko siya nang mata.
"Gago ka! Magmumog ka nga! Ang baho ng bibig mo! Letche!" sigaw ko sa kanya.
Ang gago talaga nitong saltik na ito! Parang tanga! Inis na hinaplos ko ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.
Tumawa lang siya at nginisian ako kaya itinaas ko ang kamao ko sa kanya.
Nagpasya kaming bumalik na sa cottage namin at doon manatili. Kumain lang kami bago kami nagpasyang mag swimming. Kanya-kanya na kami. Si Venice at Polla ay nagpipicture sa may tabi ng dagat. Si Matthew naman at Trey ay nagsuswimming pa rin. Si Jane bumalik sa Cottage at si Riggs naman ay nakaupo lang sa ilalim ng puno.
Naisip ko lang. Hindi kaya siya napapagod sa paupo-upo lang? Kanina pa siya nakaupo. Ni hindi ko man lang siya nakitang nagswimming.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin ngunit muli niyng ibinalik ang tingin sa dagat.
"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya.
"What are you talking about?"
"Yan! Paupo-upo ka lang. Hindi ka ba napapagod sa kakaupo? Hello! Beach kaya ito! Hindi ka ba magsuswimming?"
"Tss. Too hot." sagot niya kaya napasimangot ako.
"Bakit sumama ka pa kung hindi ka naman pala magsuswimming? Saka malamang mainit talaga..Baka balak mong magswimming kapag malamig." sarkastikong wika ko kaya napalingon siya sa akin.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN