Chapter 1
"Saan ba tayo pupunta Ynna?" tanong ni Venice matapos niyang hawiin ang buhok niya kaya napairap ako. Kahit kailan talaga ang arte nito.
"Sa Gym nga! May laro daw yung varsity team ngayon." sagot ko at ngumiti ng malawak.
"So? Bakit tayo pupunta doon?" si Venice na inikutan pa ako ng mata. Ang arte!
"Duhh! Malamang manonood! Dont me girl! Wag mo akong artehan!" nakairap na wika ko sa kanya.
"Pagbigyan mo na si Ynna. Isa lang naman ang dahilan niyan kaya pupunta ng gym e." sabat ni Jane kaya natawa si Polla.
"Ano na namang iniisip niyo? Crazy!" kunwa ay nakairap na wika ko bago ko kinagat ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang ngiti. Well they know me.
"Crush hunting!" sabay-sabay na wika nilang tatlo bago malakas na tumawa. Hindi nila pinansin ang mga estudyante na napapatingin sa amin.
Natawa na lang din ako sa kanila.
"Ano bang masama doon? At least hindi ako nag iipon ng jowa. Crush ang iniipon ko." nakangising wika ko bago naunang maglakad sa kanila.
Naglakad ako na tila modelo bago umikot ikot at nagpost sa harap nila na tila modelo kaya sabay-sabay pa silang natawa. We dont mind the stares that we are getting. Sanay na kami na pinagtitinginan high school pa lang kami.
Well, its not because we are too beautiful but because we are crazy.
And we are BITCH!
We think we are beautiful and that makes us bitch!
Beautiful Individual that create haters!
"Ang landi mo gaga! Maghuhunting ka na naman ng panibagong crush andami mo pa ngang listahan e!" si Polla na bahagya pang hinila ang buhok ko.
"Tanga mas magandang marami ang crush para madaming pagpilian." sagot ko.
"Gaga ka! Kailan ka titigil sa pagkokolekta ng mga crush mo? Kapag napapansin ka na ng mga crush mo iniiwan mo naman sila sa ere! Para kang timang." si Jane na nanenermon na naman.
"Hahaha hindi ko naman sila pinaasa girl! Naging crush ko naman sila kaya lang hanggang crush lang sila. Baka kapag may nakita na akong kamukha ni Matteo Do baka sakaling tumigil na ako sa pagkolekta ng mga gwapong crush." sagot ko bago kinuha ang ID ko at hinalikan ang picture ni Matteo Do na nandoon.
Well Im a big fan of Kim soo hyun. Para akong na love at first sight nang mapanood ko siya sa My love from the star. At dahil doon kaya tumaas ang standard ko sa magiging boyfriend ko.
"Ang landi mo! Impossible yan bakla! Tara na nga!" si Venice. Natawa naman si Polla at Jane kaya umirap ako.
"Nothing is impossible!" sagot ko pero nginiwian lang ako ni Venice bago maarteng lumakad kaya sumabay na kami sa kanya. Patuloy pa rin ang kulitan namin hanggang makarating kami sa may gym.
Nasa labas palang kami ay dinig na namin ang sigawan ng mga estudyante.
Four months since we entered college at ito ang unang beses na manood kami ng laro ng varsity team namin.
Pagpasok namin sa loob ay mabilis kaming naghanap ng bakanteng bleacher. Andaming tao at halos mapuno ang buong gym.
"Doon tayo oh!" turo ni Venice sa bleacher na malapit sa pwesto ng mga varsity players namin.
Mabilis kaming pumunta doon at naupo.
"Sino ang kalaban nila?" tanong ni Polla na bahagya pang dumukwang para makita ako.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN