Chapter 5
Pagkatapos ng klase ay dumaan muna kami sa totobits. Sa tabi kasi ng totobits ay may nagtitinda ng mga alak. May pulutan at videoke pa kaya nagkaayaan kami. Sakto dahil sabado bukas at walang pasok.
Nag order na si Polla ng alak. San mig apple, Pale pilsen at smirnoff. Kahit kailan talaga lasengga tong si Polla.
Nagpaset din kami ng videoke. Open space siya kaya naman halos kita kami ng mga dumadaan. At buti na lang at nauna naming narentahan ang videoke.
Kumuha ako ng san mig apple habang sina Polla ay kinuha ang smirnoff.
Kinuha ko din ang mic at nagsimula ng kumanta. Siyempre! Sabi nila ay maganda daw ang boses ko. So be it.
Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you
You got me hypnotized, so mesmerized
And I've just got to knowTodo birit pa ako habang iniisip ko si Riggs dito. Ewan ko at siya ang naisip ko. Siguro ay dahil Crush ang title ng kanta haha.
Do you ever think when you're all alone
All that we can be, where this thing can go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?Nasa kalagitnaan na ako ng pagkanta ng bigla akong sikuhin ni Venice.
"Bakit?" tanong ko bago kumuha ng Nova at uminom ng San mig. Pinagpatuloy ko ang pagkanta ko habang nakataas ang kilay at naghihintay ng sasabihin niya.
Do you catch a breath when I look at you?
Are you holding back like the way you do?"Matteo Do." she mouthed. Otomatikong napalingon ako at kagaya nga ng sinabi niya ay nandoon nga si Riggs. Patuloy ako sa pagkanta pero pahina ng pahina ang boses ko.
Cause I'm trying and trying to walk away
But I know this crush ain't goin' away-ay-ay-ay-ayy
Goin' away-ay-ay-ay-ayyPadaan sila dito. Mabilis kong binawi ang tingin ko nang magsalubong ang mga mata namin. Bumilis kasi ang tibok ng puso ko! And God para akong maiihi na matatae dahil sa kakaibang pakiramdam sa sikmura ko. Parang may umiikot na bulate!
Siniko ako ni Venice pero hindi ako lumingon. Tatlong beses niya iyong ginawa kaya naman nairita na ako.
"Ano ba!" inis na bulong ko matapos ang ilang sandali at tuluyang binitawan ang hawak kong Mic.
"Tanga nakaalis na! Yung share mo, hindi to libre." wika ni Venice kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at inabot iyon sa kanya.
"Happy?" sarkastikong tanong ko.
"Punyeta! Ang laking tulong ng isang daan mo!"
"Pasalamat ka nga nagshare pa ako! Bakit tig magkano ba?"
"Huwag na! Pathank you ka broken hearted ka ngayon!" nakairap na wika niya.
Hindi na ako sumagot at inikutan na lang siya ng mata. Kailangan kong ipagpasalamat na broken ako? Abnormal! Nagsimula na kaming mag inuman.
"Mag groupie nga tayo! Magpopost ako sa instagram. Dali!" wika ko habang tinitignan ang sarili ko sa camera.
"Gandahan mo ah! Huwag mo akong itatag kapag pangit ako dyan!" wika ni Polla.
"Paretoke ka girl baka sakaling gumanda ka haha!" biro ko.
"Ina mo!"mura niya sa akin kasabay ng pagbato niya ng chips.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN