Chapter 8

1.4K 60 4
                                    

Chapter 8

"Oh bakit bumalik ka?" tanong ni Jane pagpasok ko ulit.

Nakasimangot na tumabi ako sa kanila sa may sofa at nilagay sa may mesa ang plato na may cake.

"Hindi daw siya kumakain ng cake." nakangusong wika ko kaya natawa sina Jane at Venice.

Inis na kinuha ko ang cellphone sa may bulsa ko at binuksan ang instagram ko.

"Cake pa more." natatawang wika ni Venice kaya inirapan ko siya.

Nag instagram na lang ako. Habang nag iiscroll sa instagram ay biglang nagmessage si Matthew.

Mabilis ko iyong binuksan at binasa.

Matthewthehunk: Ynna mukhang malabo si Captain bukas.

Mabilis na kumunot ang noo ko at nagreply.

CzarinaCaballero: Pilitin mo. Kapag pumayag siyang sumama ililibre kita.

Reply ko sa kanya bago ako nag log out.

Napaisip tuloy ako. Ano bang magandang gawin para makasama siya sa amin?

Ilang sandali akong nag iisip hanggang magpaalam si Jane at Venice na pupunta sa Mall. Narinig ko din silang nagpaalam kay Polla na hanggang ngayon ay nagpapabalik-balik sa Cr.

Nang makaalis sila ay muli kong tinignan ang Cellphone ko at akmang magfe-facebook  pero bago ko pa magawa iyon ay saktong napalingon ako kay Polla na kakalabas lang ng Cr.

"Y-Ynna." mahinang wika niya kaya mabilis na kumunot ang noo ko.

Maputla siya at pawis na pawis.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad siya palapit sa akin ngunit bago pa siya makarating sa sofa ay bigla na lang siyang natumba.

"Polla!" sigaw ko nang makita ko siyang matumba. Mabilis ko siyang dinaluhan.

"Polla! Wake up!" wika ko habang tinatapik ang pisngi niya pero hindi siya gumigising.

"P-Polla!" muli kong tawag sa kanya. Binubundol na ako ng kaba at ramdam ko na din ang pangangatal ng mga kamay ko.

Namumutla talaga siya at mas lalong namumuo ang butlig butlig niyang pawis sa noo. Tarantang kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan sina Jane at Venice pero hindi nila sinasagot ang tawag ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko sa tindi ng takot at kaba na nararamdaman ko.

Paano kung may mangyari kay Polla? Anong gagawin ko? Oh my God!

This is the first time that it happen!

"P-Polla wake up please!." muli kong wika habang tinatapik ang pisngi niya pero wala siyang response kaya mas lalo akong natakot.

"I-I'll ask help!" tarantang wika ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay ang pagbukas din ng pinto ng kwarto ni Riggs kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"R-Riggs!" tawag ko sa kanya dahil akmang isasarado niyang muli ang pinto. Iniharang ko ang kamay ko sa may pintuan niya kaya napakunot ang noo niya.

"What?" iritadong tanong niya.

Napalunok ako at mabilis na pinunasan ang luha na nagsisimula na namang tumulo sa mga mata ko bago sumagot.

"S-Si.. Si Polla.. She fainted..I-I dont know what to do.. H-Help me please!." lumuluhang wika ko.

Hindi na siya nagabalang sumagot at mabilis na tumungo sa Unit namin. Pagdating doon ay sinubukan niya ring tapikin ang pisngi ni Polla pero wala talaga siyang malay.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon