Chapter 31
Mag aalas osto na nang makabalik ako sa unit namin.. Masyadong okyupado ang isip ko. I want to vent out my emotional stress. Gusto kong umiyak at may mapagsabihan. And right now isa lang ang taong nasa isip ko. Si Riggs.
Kinuha ko ang Cellphone ko at tinignan kung nagreply ba siya. Walang reply.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Maybe he's on his way.
Ilang sandali pa akong naghintay. Fifteen minutes, thirty, one hour. I texted him again. Another hour pass but he didnt reply. It was 10 pm.
Maybe may pinuntahan lang siya at natraffic. I waited again. Another thirty minutes, then it became an hour, and then another hour.
Mas lalo akong naiyak. Its twelve midnight already. Walang Riggs na dumating. Walang Riggs na babati sa akin ng third monthsary.Napayuko ako at napahagulgol. I expect a lot from him. Sa sitwasyong ito ay siya ang inaasahan kong magcocomfort sa akin. Siya ang masasandalan ko. But where is he?
Ilang sandali ang pinalipas ko bago ko siya tinawagan.
Nakatatlong tawag ako sa kanya bago niya sinagot.
"Where are you?" tanong ko sa kanya na pinigil ang paghikbi at ang pagkautal. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
"Ynna." wika niya sa kabilang linya. He sounded unsure.
"Nasaan ka?" ulit ko na mabilis na tumayo.
"Nasa unit. Why?" tanong niya kaya tuluyan na akong napahagulgol. Mabilis kong pinatay ang tawag.
Damn it! I wasted a lot of effort!. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng lahat. Nasa unit lang siya. Nasa kabilang pinto lang siya! Damn it!
Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Dala ang regalo ko kay Riggs ay lumabas ako ng unit at kumatok sa unit niya.
Ilang sandali lang ay bumukas nag pinto. Magulo ang buhok at halatang bagong gising. I am waiting for hours. Naghintay ako pero heto siya at kakagising lang.
"Ynna." aniya na kumunot ang noo. Mukhang nagulat pa siya sa itsura ko. Who wouldnt be? Ayos na ayos ako pero magulo ang buhok at ang make up ko ay nahuhulas na. Malaki ang eyebags
Pumasok ako sa unit niya at iginala ang paningin ko.
"What happened?" tanong niya na sumunod sa akin.
Napakunot ang noo ko nang makita ang Id na nasa center table. Kinuha ko iyon at mabilis na kumuyom ang kamao ko. Its Nicole.
Bakit nandito ang Id niya? Pumunta ba siya dito? I wanted to ask him pero hindi ko magawa.
Sa sulok ng mata ko ay nakita ko siyang natigilan nang makita ang hawak ko. "She came earlier." aniya kaya mabilis kong binitawan ang Id at hinarap siya. I cant take it anymore. Masyadong masakit. Kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa iyong pumapatak.
"Y-Ynna." usal niya bago lumunok.
"D-Do you know what day is it?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya kaya napayuko ako at mas lalong naiyak.
"I-It was our third monthsary." wika ko bago pinunasan ang luha sa mukha ko.
"N-Naghintay ako... Naghintay ako e! I was expecting y-you.. to come! Hindi ko na ineexpect na kaagad mo akong babatiin o bibigyan mo ako ng kahit ano man lang! I dont expect you to do that! Just your mere presence is fine!" halos isigaw ko na sa kanya sa pagitan ng paghikbi.
"Ynna-."
"Ngayon kita kailangan Riggs e! Ngayon kita pinaka-kailangan! Pero nasaan ka?! You dont even remember this day! I am not expecting anything glamorous Riggs. Ikaw lang sapat na. Ikaw lang okay na. But you always hurt me! Lagi mo na lang akong sinasaktan! Lagi mo na lang akong pinaghihintay!" sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN