Chapter 14"Wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Matthew habang inaayos ang mga gamit sa sasakyan.
Ala una na ng hapon at naisipan na rin naming umuwi dahil may pasok pa kami bukas.
Si Riggs ay hindi ko na ulit nakita mula kanina since I just stayed in our room the whole time. Lumabas lang ako ngayong paalis na kami. I dont know if I can face him right now. I dont want to break down in front of him.
"Lets go Ynna." wika ni Venice na pinapauna akong pumasok sa sasakyan.
Tumango ako at lumingon muna ulit sa entrance ng resort. There I saw him. He's walking towards our direction. Still no emotion.
"Ynna sa harap ka na ulit." wika ni Matthew na nasa tabi ko na pala.
"No thanks." sagot ko at akmang papasok na pero pinigilan niya ang braso ko.
"Bakit?" takang tanong niya. Binawi ko ang braso ko at umiling.
"Wala. Matutulog ako." sagot ko sa kanya.
"Pwede kang matulog sa-."
"Trey will be sitting in the passenger seat." wika ni Riggs kaya napatingin kami sa kanya.
Nakatingin siya sa amin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. "D-Dito na lang ako sa likod. Matutulog ako." sagot ko kay Matthew.
Pumasok na ako sa sasakyan at akmang pipikit na pero nagulat ako ng sumunod sa akin si Matthew.
"Tabi tayo. Marunong ka bang mag ML? ML na lang tayo." aniya kaya napakunot noo ako.
"Ha? Emel?" takang tanong ko.
"Oo ML. Hindi mo ba alam yon?"
Umiling ako kaya tumawa siya. "Anak ng tokwa! Saan ka ba pinanganak? Sa mars? Halos lahat alam laruin ang ML." aniya na tumawa pa.
"Ah ML? Mobile Legend?" tanong ko.
"Oo. Bakit anong akala mo?"
"Wala naman. Akala ko kung anong Emel sinasabi mo. Kulang kasi tanong mo. Dapat tinanong mo kung marunong akong maglaro ng ML. Bobo ka din e!" sagot ko kaya napakamot siya ng ulo.
"Ikaw na nga ang natanga ako pa ang bobo. Sino kayang bobo sa ating dalawa."
"Siyempre ikaw. "
Napakamot siya sa ulo niya at saka bumulong. "Sa gwapo kong to tatawagin mo kong bobo?"
"May sinasabi ka?"
"Wala! Sabi ko ML tayo. Turuan kita." wika niya kaya mabilis akong sumang ayon.
Atleast mawawala ang atensyon ko kay Riggs.
"Tara." wika ko sa kanya bago kinuha ang Cellphone ko.
Ininstall ko ang ML sa phone ko. Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming maglaro.
"Ynna SS mo!" sigaw niya kaya nataranta ako.
"Wag ka ngang sumigaw!" mabilis kong ginamit ang SS ko pero hindi natamaan ang kalaban. Bobo!
"Dito tayo sa baba!" sigaw niya kaya mabilis ko siyang sinundan pero dahil mabagal ang lakad ng hero ko kaya hindi ko siya nasundan.
"Nasaan ka?!"
"Dito sa may tore!'
"Tangina mamamatay na ako!" sigaw ko dahil tatlo ang nakapalibot sa akin na kalaban. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila hanggang makita ko si Matthew sa malapit sa tore.
"Tangina! Bakit sumugod ka! Andaming kalaban!" sigaw niya nang pareho kaming mamatay.
Defeat!
"Gago ka ba? Hindi ako sumugod! Sila sumugod!"
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN