Present...
That day ay dinala ako sa Ospital nina Venice. I heard them crying.. That time I realize what I did. Na hindi tama ang ginawa ko.
I even heard na masyadong malalim ang sugat na nagawa ko. Kung hindi daw ako kaagad naitakbo sa Ospital ay baka tuluyan na akong binawian ng buhay. I stayed a week in the Hospital. I went into some psychiatric evaluation.
Ayon sa mga espesyalista ay nagkaroon ako ng depression at anxiety. It was because of everything that happened. Ilang buwan din akong nagpabalik-balik sa psychiatrist. Sinasamahan ako nina Venice. Slowly I went back to normal.
Nakikipagdate na ako. Date na umaabot ng isang buwan. Pero kapag naging kami na ay naghihiwalay din. The longest relationship that I had is about two weeks. Dalawang linggo ang pinaka tumagal. They say that I am cold as Ice.
Ayaw ko kasing dumating sa puntong masaktan na naman ako ng sobra dahil sa pagmamahal. Kumota na ako. Hindi na ako papayag na masaktan na naman dahil sa isang lalaki.
Bago pa mag alas syete ay nasa opisina na ako kagaya ng gusto ni Riggs. Kagabi ay pinagpuyatan ko ang paggawa ng presentation. Pero pagdating ko sa Opisina ay nadatnan ko kaagad si Miss Marj.
"Good morning Miss Marj." bati ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nilagpasan.
Napailing na lang ako at sumunod. Pagdating ko sa mesa ko ay mabilis kong binuksan ang laptop ko para muli sanang icheck ang presentation ko. But before I did that ay muling lumabas si Miss Marj sa Opisina niya.
"Ynna." tawag niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Check if Mr. Del Castillo is already here. I will do the presentation." wika niya kaya natigilan ako.
"M-Magpepresent ka?" ulit ko kaya inikutan niya ako ng mata.
"Yes. Is there any problem with that?" aniya kaya mabilis akong napailing.
"Oh I see. Baka naman kinareer mo ang pagiging atribida! Wag kang assumera Ynna. Hindi mo ako mahihigitan."
"Hindi ko naman iniisip na higitan ka Miss Marj. I just thought na ayaw-."
"I dont need your opinion. Icheck mo kung nandyan na si Mr. Del Castillo! Faster!" aniya kaya lihim akong nagngitngit.
Mabuti na rin ito. Siya na lang ang magpresent. Atleast hindi ko kailangan makausap si Riggs.
Kagaya ng sinabi ni Miss Marj ay mabilis akong umakayat sa Opisina ni Riggs. Sakto naman dahil kadarating lang din ng sekretarya niya.
"Hi! Good morning! Nandyan na ba si Mr. Del Castillo?" tanong ko sa sekretarya.
"Oh Hi! Good morning Miss Caballero. Actually kanina pa nandito si Sir. Naunahan niya pa ako." wika ng sekretarya kaya napakunot ang noo ko. Ang aga niya ah.
"I see." ang naisagot ko.
"May presentation ka diba? You can enter the room. Naghabilin naman siya kahap-."
"No. I'm not going to present. Si Miss Marj ang magpepresent. Pinapacheck lang ni Miss Marj kung nandyan na siya." wika ko kaya napatango siya.
"Okay. I will tell Si-."
Bago pa natapos ng sekretarya ang sasabihin niya ay mabilis na bumukas ang pinto at iluwa ang taong sentro ng usapan namin.
"Miss Caballero come in." wika niya at bago pa ako makasagot ay nakapasok na siya sa opisina niya.
Pakiramdam ko ay may nagkakarerahang kabayo sa dibdib ko sa lakas ng tambol nito.
Napapikit na lang ako at sumunod papasok sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN