Chapter 13

1.3K 58 6
                                    

Chapter 13

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tulog pa sina Jane at Venice kaya naman nauna na akong lumabas ng kwarto. Balak ko sanang magtimpla ng kape pero pagdating ko sa kusina ay nandoon na si Riggs at nakatanaw sa baybaying dagat. Nakabukas ang sliding door sa may kusina kaya preskong pumapasok ang pang umagang hangin. Nakangiting lumapit ako sa kanya.

"Ang aga mong nagising." agaw ko sa atensyon niya.

Hindi niya ako nilingon at nanatili ang tingin niya sa dagat. "I am an early riser." sagot niya kaya napatango ako.

"Kape?" alok ko sa kanya. Kumuha ako ng dalawang tasa nang tumango siya. "Do you want it black?"

"Hmm." aniya ulit na sumandal sa counter at nanatiling nakatanaw sa dagat.

Mukhang good mood siya ngayon. Madalas kasi ay kunot noo siya o kaya naman ay dedma.

Nagtimpla ako ng dalawang black coffee at inabot ang isa sa kanya.

Kinuha niya iyon at tinignan habang ako naman ay tumabi sa kanya.

Marahan kong hinipan ang hawak kong kape at bahagyang humigop.

"Why do you like me?" he asked out of nowhere. Muntikan ko pang maibuga ang kapeng hinihigop ko mabuti na lang at napigilan ko.

"Ha?" tanong ko at binitawan ang hawak kong kape. Baka manginig ang kamay ko at mapaso pa ako.

"You heard it." aniya na umiling pa kaya napanguso ako.

Kahit kailan ang sungit niya. 

Ilang sandali akong tahimik bago sumagot sa kanya.

"Noong una akala ko gusto kita dahil kamukha mo si Matteo Do."

"Who's that?" kunot noong tanong niya kaya napangiti ako. Mabilis kong kinuha ang Cellphone ko at pinakita  ang wallpaper ko sa kanya.

"Siya. Korean Actor." natatawang wika ko. 

"Its us." aniya na nakaturo sa Cellphone ko kaya takang tinignan ko siya bago tinignan ang screen ng phone ko. Ganon na lang ang pamumula ng mukha ko nang makita na kami nga ang nandoon. I forgot! Pinalitan ko nga pala ang wallpaper ng phone ko!

"Ah--eh..B-Baka pinalitan nina Venice. Mga loko talaga sila ha-ha." awkward na sagot ko na iniiwas ang tingin sa kanya at mabilis na tumutok sa cellphone ko.

Walang emosyon ang mukha niya. Poker face. There's no annoyance, or irritation. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip niya.

Nakakahiya!

Nang makita ko ang picture ni Kim Soo Hyun ay mabilis ko iyong ipinakita sa kanya at inalis sa isip ko ang hiya.

"Here." wika ko at inabot muli ang Cellphone ko. Tinignan niya iyon at muling ibinalik sa akin."Sabi ko sa sarili ko ay kapag may nakita na akong kamukha ni Matteo Do ay siya na ang magiging the one ko. I never thought that I will met you." nakangiting wika ko sa kanya.

"Tss. Ang babaw." aniya na umiling pa ay humigop ng kape kaya mabilis aking umiling.

"Hindi no! Sa una 'yon ang dahilan ko. Pero habang tumatagal pakiramdam ko ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Its not only because you look like him. It was because I want to know you more. There's something about you that makes my heart flutter." wika ko na halos ibulong na lang ang huling pangungusap.

This moment I know that I just confess my feelings. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero para akong nakahinga ng malalim dahil sa pag amin ko. 

Ilang sandali siyang natahimik kaya sinulyapan ko siya. Nakatingin pa rin siya sa may dagat. Still poker face. Ganito pala ang may poker face na crush. Hindi mo alam kung ano ang iniisip or nararamdaman nila dahil wala silang emosyong pinapakita.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon