Chapter 39

1.9K 46 3
                                    

Chapter 39

Biglang namuo ang luha sa mata ko dahil sa halo-halong emosyon. Five years ago when he left me, my heart was shattered into pieces. Hindi ko alam kung paano bumangon mula sa sakit dahil sa pag-alis niya. Sakit dahil sa kaalamang hindi niya ako minahal at hindi niya ako nagawang mahalin. Sakit sa nangyari sa mga magulang ko. At dahil sa hirap na dinanas ko. But I did everything to survive those.

At ngayon kung kailan nakakalimutan ko na ang lahat ay saka siya bumalik. Making my heart flutter again. Making me fall. Making me believe that he also love me.

Pagkatpos ng limang taon ay bigla siyang susulpot na parang wala lang sa kanya ang naging relasyon namin noon. Bigla siyang magpapakita na parang nakapag move on na siya. Na parang wala lang ang lahat sa kanya. He's casual. But now he's acting like he cares and he cared for me.

"I-I dont get you Riggs. Pagkapatos ng limang taon ay bigla kang bumalik. As if we dont have anything from the past! You're civil and casual thats why I am trying my best to be civil! Kasi ayokong ipakita na hanggang ngayon ay masakit pa rin!" Sagot ko sa kanya.

Sumabog na ako. The pretention. The pain and my real feelings went out.

Gusto ko siyang paghahampasin. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong malaman niya kung gaano pa rin ako nasasaktan.

"Y-Ynna."

"Y-You know what. You're so unfair. Sana hindi ka na lang bumalik! I am fine without you! I am doing good! Pero heto at nandito ka na naman! Making me hope. Making me so damn in love pero sa bandang huli alam ko na sasaktan mo ulit ako. I cant bear to be in pain again. Ayoko ng masaktan sa parehong tao. So please. Leave me alone Riggs! Dahil kung patuloy akong magpapanggap na parang wala lang ang lahat ay baka tuluyan ng mawasak ang puso ko na matagal ko ulit binuo."Tuloy-tuloy na wika ko bago ko siya talikuran.

Ang hirap magpanggap na okay lang ang lahat. Ang hirap aminin sa sarili ko na meron pa rin. Na masakit pa rin. Na may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Akala ko manhid na ako e. Akala ko wala na. Akala ko kaya ko na siyang harapin. Mali pala.

Paglabas ko ng pinto. Ay impit akong napahagulgol. I dont want to be so emotional but I cant help it. I've been trying my best to look fine, to be fine but I guess my pretentions are over.

Ilang sandali kong pinakalama ang sarili ko bago nagpunas ng luha at inayos ang buhok ko. Pumasok na ako sa unit na parang walang nangyari. There I saw Matt and Jaze. Kumakain na sila.

Pinilit kong ngumiti at lumapit sa kanila.

"Dapat hinintay niyo na ako." Wika ko kaya napalingon sila sa akin.

"I am hungry Tita." Ani Jaze kaya napatango ako. Napalingon ako kay Matt na hindi man lang kumibo at nanatiling nakatingin sa akin kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

"You okay?" Bulong niya kaya tumango ako.

Tahimik na lang akong kumain at paminsan-minsan ay nakikisali sa usapan nila.

Pagkatapos kumain ay naglaro pa ang dalawa. Isang oras pa ang lumipas bago natulog si jaze.

"What happened?" Tanong ni Matt nang kaming dalawa na lang.

Nag iwas ako ng tingin at nagkibit balikat. "Nothing really." Sagot ko bago naupo sa sofa.

"He wants you back?" Tanong niya pa kaya natigilan ako.

"Do you still love him?" Tanong niya pa kaya napabuntong hininga ako.

"Youre asking too much question Matt." pag iwas ko sa tanong niya at tumayo. "Magpapahinga na ako. Lock the door when you leave." Wika ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon