Chapter 9

1.4K 70 7
                                    

Chapter 9

"Sigurado ka ba na okay ka na?" tanong ko kay Polla kinagabihan dahil nag pauwi na siya.

"Oo nga. Ang sabi naman ng doctor ay okay na ako. At isa pa ay may lakad pa tayo bukas. I dont want to ruin it. Maayos na rin naman ang pakiramdam ko." aniya na ngumiti pa sa akin.

Bumalik ang doctor kanina at ang sabi niya ay patapusin daw muna namin ang IV niya at pwede na siyang iuwi.

"We can cancel it." sagot ko pero umiling siya habang sina Venice at Jane naman ay napatingin sa akin.

I know that looked. Naghanda sila sa outing na ito ang they wont agree with me.

"I'm fine. Nakainom na din ako ng gamot so definitely I can come tomorrow." wika ni Polla habang nakahiga sa kama niya habang ang dalawa ay nag aayos ng gamit niya na dadalhin bukas.

They were packing her things while here I am and watching them getting excited.

"Huwag kang masyadong mag alala girl. We can prepare the Arinola for Polla." wika ni Venive kaya natawa kami ni Jane habang si polla ay sumimangot.

"Yeah. Thank you sa concern ah." sarkastikong wika ni Polla kaya mas lalo kaming natawa.

"Okay fine. I'll pack my things too." wika ko na lang at bumalik sa kwarto ko para mag ayos ng gamit.

Nang matapos akong mag ayos ng dadalhin ko bukas ay nahiga lang ako sa kama ko at nagbukas ng social media.

I am on the instagram when I remember Riggs. Napangiti ako at mabilis na pumunta sa account niya.

"Bakit ba ang gwapo mo kahit hindi ka nakangiti?" pagkausap ko sa picture niya na nasa screen.

Halos lahat ng picture niya ay stolen.

"Ang gwapo gwapo mo na sana e kaya lang bukod sa hindi ka marunong ngumiti, ang sungit-sungit mo pa." patuloy ko habang nagtitingin nang mga picture niya hanggang mahinto ako sa nag iisang picture na nakatingin siya sa Camera.

Walang emosyon ang mukha niya at blangko lang ang tingin niya na sa Camera.

"Ano kaya ang nagustuhan mo sa ex mong impaktita? Bukod sa maputi siya ano pa? Ang pangit ng taste mo pero wag kang mag alala kapag ako naging girlfriend mo high standard ka na." wika ko bago humagikhik.

Kung may makakakita sa akin ngayon ay pagkakamalan na akong baliw.

Sakto naman at naisip ko ang sinend na picture ni Matthew. Mabilis kong dinownload ang picture namin ni Riggs na isinend ni Matthew noong nakaraang araw. Napangiti pa ako nang makita iyon. Ginawa ko iyong wallpaper bago ko pinuntahan ang profile ni Riggs at minessage siya.

CzarinaCaballero: Hi! Matalino ka ba?

Yan ang message ko sa kanya. Natatawa pa ako nang maisend iyon at wala pang isang minuto ay mabilis na tumunog ang cellphone ko tanda na may nagmessage sa akin.

Mabilis ko iyong tinignan at ganon na lang kalakas ang tili ko nang makita na siya ang nagreply.

RiggsDelcastillo: What?

Yan lang ang reply niya pero naiimagine ko na na kunot na kunot ang noo niya! Haha.

Mabilis akong nagreply sa kanya.

CzarinaCaballero: Sige nga, sagutin mo ako kung matalino ka talaga.

Reply ko bago ako tatawa-tawang nagpagulong-gulong sa kama.

Muling tumunog ang Cellphone ko kaya mabilis akong naupo sa kama at binuksan ang message ni Riggs.

RiggsDelCastillo: Tss. Crazy.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon