Chapter 24
Two months has passed. Everything feels like a dream. Pakiramdam ko ay lagi akong nakalutang sa alapaap. Everything seems perfect. Hatid sundo niya ako. We study together. We eat together. We celebrate our monthsary. Halos magkasama kami lagi lalo na kung wala siyang practice. Lagi ko siyang napipilit na gawin ang mga bagay na dati ay hindi niya ginagawa. I am really happy. Pakiramdam ko ay konti na lang at masasabi na niyang mahal na niya ako.
"Balita ko may transferee sa department natin ah." wika ni Venice kaya napalingon ako sa kanya.
"Talaga?" walang interes na wika ko bago muling nagtext kay Riggs. Actually ay nagtataka ako ngayon. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya nagreply sa text ko mula noong maging kami.
'Sasabay ka ba sa lunch namin?' I texted again.
"Oo. She's pretty. Nakita ko siya kanina sa Faculty." Venice.
I am not really interested with the transferee. I am worried. Sabi ni Riggs ay malapit na siya sa University. Its been almost ten minutes pero hindi pa rin siya nag rereply.
Nauna kasi akong pumasok ngayon para ipass ang project namin ni Venice. He texted me a while ago na malapit na sya pero hanggang ngayon ay wala akong narecieved na reply.
"Hey, are you listening?" tanong ni Venice na pumitik pa sa harapan ko.
"Ah. Oo. I just texted Riggs. Im worried." wika ko kaya napailing siya.
"Baka nasa parking na siya. Wag ka ng mag alala sa kanya. He ca-Ynna! Saan ka pupunta?!" dinig ko pang wika ni Venice. Tumayo na kasi ako at nagdesisyon akong pumunta sa gym.
Hindi ako mapakali e. It was the first time it happened. Kung nasa parking na siya he can text me inmediately pero hindi siya nagtext e. Paano kung may nangyari na pala sa kanya sa daan? I maybe over reacting but I am really worried.
Tumatakbo na ako sa hallway nang hindi sinasadyang mabangga ko ang isang estudyante.
"Sorry/Sorry." sabay pa naming wika.
She's pretty. Mukha siyang mahinhin. She has big curls. Malalantik ang pilik mata na binagayan ng biluging mga mata. Medyo payat siya. Nakamake up siya kay mas lalong lumutang ang ganda niya.
"Sorry talaga." wika ko ulit kaya ngumiti siya.
Kung tomboy lang ako baka nagkagusto na ako sa kanya. She has a genuine smile.
"Its okay. By the way is this the Fashion Department?" tanong niya kaya tumango ako.
"Yes. Ito nga. Ikaw ba ang transferee?" pangungumpirma ko kaya tumango siya. Inilahad niya ang kamay niya sa kamay ko kaya inabot ko iyon.
"I am Nicole. Nicole Allejo." aniya kaya ngumiti din ako.
"Czarina Caballero." wika ko kaya tumango siya.
"Mukhang nagmama-." Bago niya matapos ang sasabihin niya ay tumunog na ang Cellphone ko. Ganon na lang ang paghinga ko ng maluwag nang makita na si Riggs ang tumatawag.
"Babe!" bungad ko sa kanya.
"Nasa klase ka na?" tanong niya.
"Oo. Lumabas ako. Akala ko kasi may nangyari na sayo. Hindi ka nagreply e. I was worried."
"Tss. I'm fine. Bumalik ka na sa klase mo." aniya kaya napangiti ako. I was about to bid my goodbye pero pinatay na niya ang tawag kaya nanlumo ako.
"Is that your boyfriend?" wika ni Nicole. Medyo nagulat pa ako dahil nandito pa pala siya.
"Hmm." wika ko at bahagyang ngumiti bago nagsimulang maglakad papunta sa room namin kaya sumabay siya.
"I see." aniya.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN