Chapter 17

1.3K 49 4
                                    

Chapter 17

Pagdating ng uwian ay mabilis akong nagpaalam kay Venice na mauuna ng umuwi. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis na tumakbo papuntang parking lot.

It was a rare chance to be with Riggs. Bago ako tuluyang makarating sa parking lot ay huminto ako sa pagtakbo at huminga ng malalim. Kinuha ko pa ang salamin sa bulsa ko at inayos ang buhok ko. Naglagay din ako ng liptint sa cheeks at labi ko.

"Ang ganda mo talaga Ynna." wika ko sa harap ng salamin at ngumiti pa sa repleksyon ko.

Muli kong ibinalik ang salamin sa bulsa ko at naglakad ng maayos papunta sa parking.

Mabilis kong iginala ang paningin ko sa parking hanggang makita ko si Riggs na nakasandal sa may itim na BMW. Napasipol pa ako dahil sa kintab non. Parang hindi ginagamit.

Nakatingin siya sa Cellphone niya habang nakaupo ng bahagya sa may hood ng sasakyan. Mabilis kong kinuha ang Cellphone ko at pinicturan siya.

Sana all pang model!

"Riggs!" agaw ko sa atensyon niya matapos kong ibulsa ang Cellphone ko.

Umayos siya ng tayo at hinintay akong lumapit sa kanya. I smiled widely.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya at pumunta sa may driver seat. "Not really." aniya bago sumakay sa driver seat.

Napasimangot ako. Maybe I am demanding pero mas matutuwa siguro ako kung ipagbubukas niya ako ng pinto.

Akmang pupunta na ako sa driver seat pero nagulat na lang ako nang bigla siyang lumabas sa kotse niya at ipagbukas ako ng pinto.

"Get in." aniya.

Napatingin ako sa kanya habang todo ngiti.

'Ang bilis naman Lord.' bulong ko.

Mabilis akong lumakad papunta sa passenger seat. "Thank you." wika ko bago pumasok sa loob.

Pagpasok niya din sa loob ay mabilis niyang isinuot ang seatbelt niya kaya gumaya ako sa kanya.

"Ang ganda ng kotse mo. Ang linis." umpisa ko nang magsimula na siyang magdrive.

"Hmm. Wala aking oras para magkalat." aniya kaya nilingon ko siya.

"Bakit? Busy ka?"

"I have lot of things to do." aniya.

"Gaya ng?"

Sinulyapan niya ako bago sumagot. "Studies, the team, and Business."

"Family business?"

"Hmm." pagtango niya.

"Only child ka ba?" usisa ko sa kanya.

"No. I have a little brother."

"Ikaw magmamanage ng business niyo?"

"For now. One month na lang at si Dad na ulit ang magmamanage. I dont have plans to manage it on the future."

"Why?"

Tinignan niya ako sandali bago bumuntong hininga at sumagot.

"I dream to be an engineer not a business man." sagot niya kaya napatango ako.

"I see. Siguro proud sayo Parents mo. Biruin mo nag aaral ka pa lang tapos nagmamanage ka na ng business niyo. Tapos alam mo talaga kung anong gusto mong gawin."

"I dont think so." aniya.

"Ha?"

"I dont think they are proud of me."

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon