Chapter 29

1.3K 45 44
                                    

Chapter 29

Mabilis na nawala ang ngiti ko nang hindi si Riggs ang nabungaran ko.

"Disappointed?" tanong ni Matthew. Mabilis kong ibinalik ang ngiti ko at umiling.

"No. I just.. I-."

"You thought it was Riggs." putol niya sa sasabihin ko.

"Sorry."

"Its okay." sagot niya.

"Bakit nandito ka? Wala ba kayong pasok?" tanong ko na sumulyap pa sa pinto ng unit ni Riggs.

"Meron. Nagcutting ako." nakangising wika niya kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit nag cutting ka?"

"Hayaan mo. Wala din naman si Captain e."aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi pumasok si Riggs?"

"Hindi. Wala siya sa first subject. Akala ko nga nandito siya." aniya kaya napakunot ang noo ko. Ni hindi niya man lang ako tinawagan o tinext. He didnt inform me.

Magkatabi lang ang unit namin, mahirap ba para sa kanya na katukin ako dito?

"Wala siya dito." sagot ko at niluwagan ang pinto. Akmang papasok na si Matthew pero natigilan ako.

Kakalabas ni Riggs sa elevator. He looks tired. Saan siya natulog? Kay Nicole ba?

Tinignan niya ako at inilipat ang tingin kay Matthew. I saw how his brows furrowed.

Napatingin din si Matthew sa tinitignan ko. Sa sulok ng mata ko ay nakita ko ang pagkuyom niya ng kamao.

"What are you doing here Gonzales?" tanong ni Riggs nang makalapit sa amin.

"You dont need to know."wika ni Matthew kaya mas lalong kumunot ang noo ni Riggs.

"I need to know. Baka hindi mo alam unit ng girlfriend ko ang pinapasok mo." aniya sa seryosong tinig. I felt my heart thump faster.

"Girlfriend? Kaya pala hinayaan mo lang siya kahapon na malasing." wika ni Matthew kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Malasing?" ulit ni Riggs na tumingin sa akin.

"N-Naparami lang ang inom namin." I answered.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "You should have called me."

"S-Sorry."

"You called him but you never thought of calling me." wika niya sa seryosong tinig. I want to explain. Gusto kong ipaliwanag na hindi ako ang tumawag kay Matthew ngunit hindi ko mahanap ang boses ko.

Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako nakasagot.

"No worries Riggs. Naiuwi ko sila ng ligtas. And if this will happen on the future wag ka ng mag-alala. I can take care of her." sarkastikong wika ni Matthew. Nagulat pa ako nang tawagin niya sa pangalan si Riggs. It was the first time he called him Riggs.

"Gonzales."mariing wika ni Riggs na mas lalong kumunot ang noo. "Baka nakakalimutan mo girlfriend ko siya."

Umismid si Matthew bago ngumisi kay Riggs. "Girlfriend mo siya pero nasaan ka? Sa ex mo?" aniya kaya parang may humiwa sa dibdib ko.

Bago pa makasagot si Riggs ay nagsalita na ako. "M-May klase pa ako. Papasok na ako." wika ko na pilit itinago ang sakit sa tinig.

Hindi ko sila hinintay na sumagot at mabilis na isinara ang pinto.
















BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon