Chapter 26

1.5K 45 9
                                    

Chapter 26

Kung nagulat sila sa tanong ko ay nagulat din ako. It slipped out of my mouth.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko kay Riggs at tinuon ang paningin ko sa pagkaing nasa Mesa.

It was a moment of Silence. Naging awkward ang paligid. I want to say something but I'm afraid that I will messed up.

"Ynna-." Riggs.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang biglang tumunog ang Cellphone ko na nasa itaas ng mesa.

Nakita ko ang pagsulyap ni Riggs sa Cellphone ko at ang pagkunot ng noo niya ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"S-Sorry. I need to take this call." wika ko kay Riggs upang makaiwas. Mabilis akong tumayo at akmang lalayo sa kanila pero hinawakan ni Riggs ang kamay ko.

"Answer it here." aniya sa seryosong tinig.

"S-Sandali la-."

"Just answer it here Ynna." pinal na wika niya.

Napalunok ako at nag iwas ng tingin sa kanya.

Muli akong naupo at sinagot ang tawag. "Matt." bati ko sa kabilang linya.

"Walang Hello?" tanong niya kaya kahit papaano ay napangiti ako. He can lighten the mood.

"Hello." wika ko kaya natawa din siya.

"Am I disturbing you?" tanong niya kaya sinulyapan ko ng bahagya si Riggs. He's looking at me. Kunot noo at seryoso ang anyo.

"No. Not really. Bakit napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

"Can I talk to you? Personally." wika niya kaya napakunot noo ako.

"Ngayon na?"

"Yes."

"Bakit ano ba yon? Hindi ba pwedeng sa phone na lang?" tanong ko ulit pero bago niya masagot ang tanong ko ay nakuha na ni Riggs ang Celllphone sa akin.

"Gonzales. She's with me." wika ni Riggs. Mas lalong kumunot ang noo niya at napakuyom ang kamao habang tahimik na nakikinig sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Matthew para maging ganon ang reaksyon ni Riggs. Nag-away kaya sila?

"Mind your own business Gonzales!" wika niya bago tumayo at lumayo sa amin.

Sinundan ko siya ng tanaw at mas lalong kumunot ang noo ko dahil kita sa mukha niya ang pagkairita at galit.

"Who's that?" tanong ni Nicole sa akin kaya napatingin ako sa kanya. She's looking at Riggs worriedly.

"Si Matthew." tipid na sagot ko. I dont want to be rude kaya sumagot ako.

"Matthew? Gonzales?" aniya kaya tumango ako. "It was the first time I saw him angry." patuloy niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Lagi ko siyang nakikitang galit at iritado. Maybe because I am annoying kaya lagi siyang inis sa akin. In that thought my heart aches. Siguro ay hindi siya nagalit or nainis kay Nicole noong sila pa.

"Lets go." wika ni Riggs na nakalapit na pala sa amin kaya nagulat ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

"Riggs how abou our lu-."

"We're leaving." malamig na putol niya kay Nicole. May sakit na gumuhit sa mata ni Nicole pero mabilis din iyong nawala.

"Y-Yeah. Thanks sa pagkain." wika nalang niya at bahagyang ngumiyi kaya tumango lang si Riggs at hinila na ako. Hindi ako makaangal dahil mukhang bad mood siya at sobrang higpit din ang hawak niya sa braso ko.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon