Chapter 40

4.7K 142 82
                                    

Chapter 40

"Y-You." Usal ko na lalong bumuhos ang luha. I am thinking of him earlier pero ngayon ay nandito na siya sa harapan ko.

Binitawan ko ang hawak kong alak pero mabilis na kinuha ang isa at mabilis na lumagok.

"Ynna-."

"Shh! Let me have this." Wika ko at tumawa pa habang tumutulo ang luha sa mukha ko.

"You're drunk."

"Am I?" Tanong ko na tumawa pa.

Muli ay parang umikot ang paningin ko ngunit ipinilig ko lang ang ulo ko.

"Ynna-."

"Shh." Suway ko sa kanya na itinapat pa ang hintuturo sa labi niya. "Huwag kang maingay. Let me just stare at you while drinking."

Hinila ko siya paupo sa tabi ko at tinitigan ang mukha niya. Pinaglandas ko ang hintuturo ko sa noo niya pababa sa mukha niya.

'Am I dreaming?'

"Its you..Its really you Riggs." Usal ko. Mas lalong umikot ang paningin ko at parang babaliktad ang sikmura ko pero pinigil ko iyon. "Ang gwappooo mo pa din. Your eyes, your nose, your lips..  I like them a lot." Patuloy ko na humagikhik pa. Remembering our college days. "Sayang no? Kung nagkatuluyan lang tayo.. Sana sana masaya ako ngayon." Pinunasan ko ang luha ko at pumikit bago ihilig ang ulo ko sa balikat niya.

"H-Hindi ka ba masaya kay Matthew ngayon? You have a child."

Natawa ako ng malakas at inalis ang ulo ko sa balikat niya at tinignan ang mata niya. "Hahahaha! Si Matthew?" I asked then shook my head. "He's a friend. And Jaze? Hihi. My sweet little Jaze is Venice Son. Ang cute cute. Hihi. Gusto ko din ng baby." Sagot ko at humagikhik pa nang maalala ang mukha ni Jaze.

"He's not your child?" Paninigurado niya. I saw how his eyes turn bright. Pero wala na ako sa sarili ko para punahin pa iyon.

"Hindiii! Iniwan mo ko e, pano ako magkakaanak?... Sana hindi mo ko iniwan! Sana hindi mo ako pinagpalit! Sana.. S-Sana.." Napahinto ako dahil parang may nakabikig sa lalamunan ko. May pait sa tinig ko. Pumikit ako at sumandal sa upuan. Tears are starting to flow in my cheeks. I can feel my heart aching. Kahit hirap ay nagpatuloy ako."Y-You're unfair... Ang unfair mo e!...I-I love you but.. B-But you chose to walk away and break my heart. Do you know how painful it is? I-Ikaw lang ang minahal ko e. Ang sakit na harap-harapan mong pinili si Nicole kaysa sa akin na girlfriend mo! Ako yung girlfriend mo Riggs pero isang tawag lang mula sa ex mo ay nagkakaundagaga kang umalis! You showed me that I am not enough. Alam mo ba na pagkatapos ng gabing yon ay tinanong ko ang sarili ko. Bakit? Anong kulang? Am I not enough? Am I demanding?... Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? Hindi pa ba ako sapat?-"

"You're enough Ynna-."

"Then why Riggs?!  W-Why did you hurt me when all I did is to love you so much? Bakit iniwan mo ako?! ...B-Bakit.. Bakit noong nakipaghiwalay ako sayo ni hindi mo man lang ako hinabol? H-Hindi mo man lang.. Hindi mo man lang ako pinuntahan. You should have explain yourself! Pero ano ang ginawa mo? You left me! Umalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa akin! Talaga bang wala lang ako sayo? Talaga bang kahit konti ay hindi mo ako minahal?!" Sumbat ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi at paghagulgol.

Lahat ng emosyon ay bumabalik sa akin. The pain, the sorrow, the sadness. Ang sakit e. Ang sakit na limang taon kong kinimkim.

"Something happened that day Ynna. I need to go to her.. I need t-."

"I-I need you the most that day Riggs! I need you. Kailangan din kita e! That difficult night na pakiramdam ko ay mamamatay na ako ay ikaw ang iniisip kong magliligtas sa akin, ang dadamay sa akin! Pero anong nangyari? Mas pinili mong puntahan siya at durugin ako!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon