Chapter 10
Pagkaupo ko sa harap ay tinignan niya ako kaya ngumiti ako ng malawak sa kanya.
"Seatbelt."tipid na wika niya kaya mabilis kong isinuot ang seatbelt ko.
Pagkasuot ko nang seatbelt ko ay muli ko siyang tinignan at nginitian ng matamis. Wala man lang siyang emosyon bagkus ay ikinabit niya ang sarili niyang seatbelt at pinaandar ang sasakyan.
Ilang minuto na ang nakakaraan pero walang nagsasalita sa amin. Malapit nang mapanis ang laway ko at kating-kati na akong dumaldal pero mukhang wala siyang balak na kausapin ako.
Tumingin ako sa likod. Nakita ko na nakahiga na sa upuan si Mtthew habang ang tatlong babae naman ay busy. I don't know what are they doing. Si Trey na nasa pinakalikod ay paniguradong tulog na din.
Napabuntong hininga ako.
Tinignan ko si Riggs pero ang mata niya ay nasa daan lang.
"Akala ko hindi ka sasama. Buti nagbago ang isip mo?" pagbubukas ko nang usapan dahil bored na bored na ako.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi siya sumagot. Ano to? Nakikipag usap ako sa hangin? Tsk.
"Uso magsalita. Baka naman mapanis ang laway mo." Patuloy ko pero tinignan niya lang ako at hindi sumagot.
"Pasalamat ka gwapo ka." Bulong ko pero mukhang narinig niya kaya tumingin ulit siya sa akin.
"I know." Sagot niya bago ngumisi kaya nanlaki ang mga mata.
Hindi dahil sa yabang niya kung hindi dahil nagsalita na siya! It's a miracle!
"Woah! So kailangan sabihan kang gwapo para magsalita ka?" nakangiting wika ko at tuluyang tumagilid paharap sa kanya pero hindi na siya sumagot.
Letche! Paasa! Akala ko makikipag usap na siya.
Iniumang ko ang kamay ko at binuka-sara iyon na parang bibig habang nagsasalita.
"Gwapo talaga ako. Marami nga ang may crush sa akin e." wika ko na pinalaki pa ang boses habang binubuka sara ang kamay ko na tila bibig.
"Agree! Gwapo ka nga kaya lang ay masungit ka." Kunwari ay sagot ko.
Muli kong binuka-sara ang kamay ko habang nagsasalita. "Atleats gwapo. Girls still foll-." Napahinto ako sa pagsasalita nang makita kong tumingin siya sa akin nang kunot noo. Tumuwid ako nang upo at ngumuso.
"Ang sungit." Bulong ko ulit.
Ilang sandali pa at nabobored na talaga ako kaya muli akong tumingin sa likod.
Halos tulog sila kaya napabuntong hininga na lang ako. Binuksan ko na lang ang stereo at sakto naman ay gusto ko ang tumutugtog.
Crush by David Archuleta
'Cause the possibility
That you would ever feel the same way about me
It's just too much
Just too muchPagsabay ko sa kanta bago tumingin kay Riggs pero nakatingin lang siya sa daan kaya nagpatuloy ako.
Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you
You got me hypnotized
So mesmerized
And I've just got to knowMaypapikit-pikit pa akong nalalaman haha. Naalala ko tuloy ang araw na kinantahan ko siya pero nagalit lang siya. Tss. He don't like me but that doesn't mean that I will give up. Ang mga sumusuko ay hindi nananalo at ang mga nananalo ay ang mga hindi sumusuko. Thats the spirit!
Do you ever think
When you're all alone
All that we could be?
Where this thing could go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?
Do you catch a breath
When I look at you?
Are you holding back
Like the way you do?
'Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush ain't going away
Going away
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN