Chapter 27
Pagdating ko sa gym ay nadatnan ko na nagpapractice sina Matthew habang si Riggs ay nakaupo sa may bleachers.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malawak.
"Babe!" tawag ko sa kanya kaya halos lahat sila ay napalingon sa akin.
Kinawayan ko sina Matthew bago ako lumapit kay Riggs.
"Hi babe!" wika ko ulit nang makalapit ako sa kanya. I kissed his cheeks and sit beside him.
"Malapit na kaming matapos." aniya matapos kunin ang bag ko at inilagay sa tabi niya.
"Take your time." wika ko kaya nginitian niya ako.
He patted my head bago tumayo at humarap sa mga kateam niya.
They started their ptractice again. I just stared at him. Ilang sandali pa ay natapos na ang practice nila kaya naman hinintay ko siyang matapos magshower.
"Ynna." napalingon ako kay Matthew na kalalabas lang ng shower room at ngayon ay palapit sa akin.
"Hey! Long time no talk." biro ko pero hindi man siya ngumiti kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ako sa mata ng ilang sandali bago nagsalita.
"Meron. But I doubt it if you can help me." aniya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano yon? Malay mo matulungan kita? I'm witty, you know."mayabang na wika ko pa sa kanya at nginisian siya.
Ginulo niya ang buhok ko kaya sinimangutan ko siya.
"I spent atleast 30 minutes in fixing my hair." wika ko sa kanya kaya natawa siya.
"Ang arte mo talaga. Maganda ka naman kahit magulo ang buhok mo. haha!" aniya na tumawa pa kaya hinampas ko siya.
"Maganda talaga ako pero mas maganda ako kapag maayos ang buhok ko." wika ko kaya napailing siya.
"May lakad ba kayo ni Captain?" tanong niya kaya tumango ako.
"Oo. Date." nakangiting wika ko kaya nawala ang ngiti niya.
"Inggit ka no? Maghanap ka na kasi ng girlfriend." tukso ko sa kanya. "Sino bang gusto mo? Si Venice? Si Polla? O si Jane?" mapanuksong patuloy ko.
"Loko! Wala akong gusto sa kanila!" tanggi niya kaya napangisi ako.
"Weh?"
"Oo nga! Ang kulit mo!"
"Ano bang tipo mong babae?"usisa ko pa. I am planning to match him with Jane. I think they will be a good match.
Ilang sandali siyang nakatingin sa akin kaya pumitik ako sa harap niya. "I know nakakatulala ang kagandahan ko." mayabang na wika ko kaya nailing siya.
"Tsk. Ang hangin ah."
"I'm stating a fact." sagot ko kaya napailing siya. "So whats your ideal girl?" usisa ko ulit.
"Yung madaldal. Medyo maarte. Goal oriented. Maganda. Saka dapat marunong mag ML!" aniya kaya napailing ako.
"Right. Dapat marunong mag ML. Pabuhat ka kasi. Dumbell!" wika ko na itinaas pa ang kamay na tila nagpapakita ng muscles kaya natawa siya.
"Tang ina! Ako pabuhat? Baka ikaw? Ang bobo mo nga sa ML! Puro ka sugod-."
"Hoy hindi ako bobo! Tanga ka lang magturo!"
"Lets Go."
Bago pa siya makasagot ay nagsalita na si Riggs sa likod niya nang hindi namin namamalayan.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN