Chapter 6

1.4K 63 6
                                    

Chapter 6

Malawak ang ngiti na nilapitan ko si Riggs pero kaagad ding nawala ang ngiti na iyon ng makita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi maipinta ang mukha niya na parang anumang sandali ay sisigawan niya ako.

"D-Do you like the song?" nag-aalinlangan na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila niya ako paalis na ikinagulat ko.

"R-Riggs."

"Captain saan kayo pupunta?" dinig kong tanong ni Matthew pero hindi kami sinagot ni Riggs. Ramdam ko ang galit niya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Gusto kong hilain ang braso ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"R-Riggs.."

"Shut up!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa tono ng boses niya.

Dinala niya ako sa likod ng main building at marahas akong binitawan.

"What the hell are you doing?" tanong niya na bakas sa tinig ang disgusto sa ginawa ko.

"I-Im courting you." sagot ko at itinago ang kaba sa dibdib ko.

He pinched the bridge of his nose and looked at me. Para bang konti na lang ay mauubos na ang pasensya niya.

"Can you please stop playing! Its not funny. If you have a lot of time to do some nonsense things then spare me! Wala akong oras sa kabaliwan mo! Didnt you get it? I dont like you. Not even an inch." aniya kaya mabilis na gumuhit ang sakit sa dibdib ko.

Tinignan ko siya bago huminga ng malalim at sumagot.

"C-Can you be a little more sensitive to other people's feeling.  Fine if you dont like me. The reason why I am courting you is for you to know me more...to like me." sagot ko na pilit pinigilan ang emosyon ko. Halos ibulong ko na lang ang huling pangungusap dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

He's being insensitive. Okay lang naman na hindi niya ako gusto. Pero masyado naman atang masakit na ipamukha niya sa akin na wala siya kahit na katiting na pagtingin sa akin.

Ilang sandali siyang tahimik bago muling nagsalita.

"I dont like you. I dont like how you dressed, how you speak, how straightforward you are. So dont waste your time on me." aniya bago ako iwanan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Crush lang ito pero bakit ang sakit?

Napabuntong hininga ako at pinuno ng hangin ang dibdib ko bago ako naglakad paalis.

Crush lang pero sabrang sakit pa din pala kapag nareject ka. Siguro ay totoo nga. Any kind of rejection is painful!

"Ynna!" bigla akong napatingin sa likod ko dahil sa tinig na iyon.

Sina Venice. Patakbo silang lumapit sa akin at mabilis na nagtanong.

"Anong nangyari?" Venice.

"Gaga ka! Talagang tinotoo mo ang panliligaw mo!" Jane.

"Sinagot ka na ba?!" Polla.

Magkakasabay nilang tanong kaya malungkot akong umiling. Natahimik sila at tinignan ako na para bang hindi makapaniwala.

"H-He rejected me. Sabi niya hindi niya ako gusto, hindi niya gusto kung paano ako manamit, magsalita at kumilos. He dont like me." mahinang wika ko at umiwas ng tingin sa kanila.

Natahimik sila ng ilang segundo at mukhang maging sila ay nahawa sa lungkot na nararamdaman ko.

"Tara na. Baka malate pa tayo." pilit ang ngiting wika ko para hindi na sila mag-alala.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon