Chapter 34

2.9K 102 86
                                    

Warning: This chapter needs parental Guidnce!



Chapter 34

Paguwi ko sa condo ko ay mabilis akong nahiga sa kama. Remembering what happened after Riggs left. Wala sa sariling hinaplos ko muli ang peklat na nasa pulso ko.

Five years ago....



Pagkatapos akong ihatid ni Matthew sa Condo ay umuwi na din siya. Naligo ako bago nahiga sa kama. Mainit ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko.

Walang gana kong kinuha ang Cellphone ko at tinignan kung may text ba mula kay Riggs. I smiled bitterly.

Kahit na alam kong wala na ay nag eexpect pa rin ako.

Ramdam ko ang pag init ng sulok ng mata ko kaya pumikit ako. Isang beses lang akong sumuko, isang beses lang ako napagod, isang beses lang akong bumitaw pero hindi niya ako hinabol. Hindi niya ako pinigilan. He chose to let go. Pinili niya si Nicole kaysa sa akin.

Maybe I am nothing to him. Sino ba ako para piliin niya? Sino ba ako para habulin niya?

Mas lalo akong naiyak sa kaisipang iyon. Its too much pain. Ang sakit pero hindi ko magawang alisin na lang siya sa sistema ko.

Napatingin ako sa Cellphone ko nang tumunog iyon. Hoping that it will be Riggs but to my disappointment it was Tita Matilda.

Hindi ko sinagot ang tawag at hinayaan nalang iyong mag ring. Maybe it will be another session with her. Mga sermon at panlalait mula sa kanya.

Ilang oras na akong nasa kwarto at tulala. I cant think of anything. Nagulat na lang ako nang pabiglang bumukas ang pinto.

"Ynna!" wika ni Venice sa akin na hinihingal pa.

"Why?" walang ganang tanong ko at tumalikod sa kanya.

"Wala bang tumawag sayo? I just received a call from your Tita- ."

"I dont want to know." putol ko sa sasabihin niya.

"You need to!"

"If its about the-."

"Your parents had a car accident! Dinala daw sila sa Ospital at kritikal ang kondisyon!" wika niya kaya parang nayanig ang buong mundo ko. Mabilis akong napatayo.

"W-What hospital?"kinakabahang tanong ko. Nagsisimula na namang manubig ang mga mata ko.

Sinabi niya ang ospital at sinamahan ako papunta doon.

Pagdating namin ay sinalubong kaagad ako ni Tito Kevin. "How are th-." bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay isang sampal ang sumalubong sa akin.. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. Si Venice naman ay hinawakan ako sa braso upang bigyang suporta dahil pakiramdam ko ay matutumba ako.

Its Tita Matilda. Luhaan ang mukha niya at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

"Malas ka talaga! Mula nang dumating ka sa buhay namin ay nagkamalas-malas kami! Ilang kamalasan ba ang dadalhin mo sa pamilya namin?!"sigaw niya.

"T-Tita nasaan sila? Si Mommy? Si Daddy?" tanong ko sa kanya na hindi pinansin ang sakit ng pisngi ko at sakit ng sinabi niya.

"You bastard! Dahil sayo kaya namatay ang anak ko! Dahil sayo kaya namatay ang kapatid ko! Malas ka!" sigaw niya sa akin.

Tuluyan akong napahagulgol dahil sa sinabi niya..

"G-Gusto kong makita si Mommy!" histerikal na wika ko at hindi siya pinansin.

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Tita Matilda na dinuro pa ako. "I am calling you earlier dahil ikaw ang hinahanap ng kapatid ko! Pero ano?! Hindi ka sumagot! Sa kahuli-huliang hininga niya ay ikaw ang hinahanap niya pero wala kang kwenta! Wala kang utang na loob!"sigaw niya ulit at mabilis na hinila ang buhok ko.

BITCH SERIES 1: Say I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon