Chapter 28
"Are you okay?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa harap ng unit namin. Sa buong byahe kanina ay tahimik lang siya.
Instead of answering he hugged me that caught me off guard. Natigilan ako ng ilang sandali bago ko iniyakap ang kamay ko sa likod niya.
"I understand you Riggs. Buhay mo yan. No one can decide for you." wika ko kaya mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.
"Am I a bad son?" tanong niya kaya mabilis akong umiling habang yakap siya.
"You are a good son. But I hope you can make it up to your Dad. I understand you Riggs at naiintindihan ko din ang pinag-aalala ng Daddy mo." wika ko kaya lumayo siya sa akin. Kumunot ang noo niya bago bumuntong hininga.
"You can be a lot of thing Riggs. You can be a business man and an engineer." wika ko.
Natahimik siya ng ilang sandali bago guluhin ng bahagya ang buhok ko.
"Pumasok ka na." aniya.
Hindi ko alam kung ako ang inisip niya sa sinabi ko. I want to comfort him and at the same time make things up with his father. I saw how hurt his father is at nakita ko rin kung gaano siya nasaktan. I dont want him to regret his decision when time comes.
"I love you." wika ko at mabilis na tumingkayad upang gawaran siya ng halik. Hindi ko na hinintay na sumagot siya at mabilis na pumasok sa loob.
"Ano G ka ba?" tanong ni Polla sa akin habang nasa Canteen kami. We're eating lunch. Nagtext si Riggs kanina na hindi daw siya makakasabay dahil may pupuntahan siya.
"Saan nga ulit?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang usapan nila kanina. Ilang araw na din ang lumipas mula nang magpunta kami ni Riggs sa kanila. Actually ay mula noon ay hindi pa kami masyadong nagkakausap ni Riggs. Minsan ay pupuntahan niya lang ako ng ilang minuto sa bahay pagkatapos ay aalis din. Minsan naman ay nagtetext lang siya. Graduating na sila kaya alam ko na busy sila ngayon. But I kinda miss him.
"Sa Mall then mag bar tayo pagkatapos."sagot ni Polla bago sumubo.
"By the way third monthsary na ninyo ni Riggs diba? May plano ba kayo? We can buy gift later." nakangiting patuloy ni Venice bago pa ako nakasagot. Sa linggo na nga pala ang third mothsary namin. Tatlong araw na lang.
Sa mga naunang monthsary namin ay simple lang. Kumain lang kami sa labas. Nagbigay lang ako ng regalo sa kanya. Thats it. Riggs is not a romantic guy and I understand that.
"Third monthsary na ninyo. Mas maganda kung may pasurprise." wika ni Polla kaya napatingin ako sa kanya.
"Surprise?"
"Oo. Uso kaya yon." aniya kaya napatango ako. Pwede. I can aurpriae him. Napangiti ako sa naisip ko.
"Ikaw ang magsusurprise?" si Jane na nakakunot noo kaya napatango ako.
Napailing si Jane bago nagsalita. "You give too much effort for him Ynna. Sana hindi masayang."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Parang biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na kaba.
"Ang nega mo talaga Girl." wika ni Venice na lumingon pa sa akin.
"I'm just being realistic Ven. Ayoko lang masaktan sa bandang huli si Ynna lalo na at nandyan na ang ex girlfriend ni Riggs." sagot ni Jane bago bumuntong hininga.
"Hindi naman siguro siya sasaktan ni Riggs." Si Polla.
"Lets change the topic!" wika ni Venice na binigyan ng warning na tingin ang dalawa. Lihim na lang akong napabuntong hininga. I trust Riggs. Hindi niya ako sasaktan. "Ano sasama ka ba?" pag iiba niya ng isapan.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN