Chapter 38
Napatingala ako nang may naglapag ng paper bag sa may mesa ko. Napakunot noo ako.
"Ano yan?"takang tanong ko.
"Pinabibigay ni Sir. Mag lunch ka na daw." wika ni Jamie na may panunukso sa tinig kaya napailing ako.
Its been three days since we became 'friends.' At sa loob ng tatlong araw na yon ay hindi siya pumalya na bigyan ako ng kung ano-ano. Sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Ayokong masanay sa ganito pero may parte sa puso ko ang masaya. Sa loob ng limang taon ay ngayon lang ako naging masaya ulit. The happiness that the opposite sex cannot give.
I mean I am happy. Kinikilig ako at masaya ako pero natatakot ako. Ayokong masanay dahil alam ko naman na wala lang ito. He just treat me as a friend at ayokong bumalik sa dati na ako na naman ang maghahabol.
I am done with that chapter.
"Uyyyy. Sigurado ka bang friends lang kayo ni Sir? Bakit parang nagtwinkle twinkle mga mata mo?" Panunukso ni Jamie kaya napapormal ang ayos ko.
"Stop Jamie. During office hours he is my boss." Wika ko kaya napailing siya pero nandoon pa rin ang nanunuksong ngiti.
"Ibalik mo na yan sa kanya." Wika ko pero umiling siya.
"Ilang beses mo ng ipinabalik ang mga binibigay niya pero walang nangyayari. I enjoy mo na lang yan." Wika niya bago lumabas ng office ko.
Yes office ko. Lumipat na ako sa dating office ni Miss Marj. Medyo nakakapanibago pero mas mag eenjoy ako sa trabaho ko ngayon.
At kagaya nga ng sinabi ni Jamie. Sa loob ng tatlong araw ay kung ano-ano ang binibigay ni Riggs sa akin. Lunch, drinks, coffee, meryenda.
Lahat ay ipinabalik ko pero binabalik lang sa akin.
Naalala ko pa ang sinabi ng isa sa mga nautusan kong magbalik ng pinabibigay niyang kape sa akin kahapon.
'Miss Ynna kapag hindi mo daw tinanggap yan mawawalan ako ng trabaho.'
Thats the exact line that she said to me. Kagaya din ng ibang nautusan ko din. He's threatening the employee kaya wala akong choice kung hindi tanggapin lahat ng ibinibigay niya.
Napabuntong hininga na lang ako at binitbit ang paper bag. I think I need to talk to him myself.
Tatlong araw ko na din siyang hindi nakakausap. Minsan ay nagkakasalubong kami pero tango lang ang batian namin. Sa labas ng opisina ay hindi ko pa siya nakita o kahit sa condo man lang.
"Nandyan ba si Sir?" Tanong ko kay Jinkee. Secretary ni Riggs.
"Yes Miss Ynna. Pumasok ka na lang." Aniya sa akin na ngumiti pa kaya gumanti ako ng ngiti.
Tatlong katok ang ginawa ko bago ko pinihit ang pinto.
Nakatalikod siya sa akin at nakatanaw sa labas. Akmang lalapitan ko siya pero natigilan ako sa narinig ko.
"Yes. Dadaan na lang ako sa bahay. I will see you later Nicole."aniya kaya parang may kumirot sa parte ng dibdib ko.
Nicole? How can I forget that name?
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.
"Ynna? Kanina ka pa ba dyan?" Mabilis kong hinamig ang sarili ko nang lumingon si Riggs at magsalita.
"O-Oh yeah. Sorry I didnt mean to disturb you." Mabilis na wika ko pero umiling siya.
"You didnt. So what brings you here?" Tanong niya na lumapit pa sa akin.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN