Chapter 32
Five years later.....
"Ynna." napaangat ang mukha ko nang makita si Venice na nasa harapan ko.
"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay." wika ko sa kanya na tumayo at bumeso.
"Sorry Girl. May nakita lang akong kakilala." wika niya na ngumiti pero hindi umabot sa mata.
"Who?"
"Forget it. He's not important." wika niya kaya napataas ang kilay ko.
"Really?" tanong ko na may pagdududa.
"Nasaan na si Jane at Polla?" pagiiba niya ng usapan kaya napangisi ako.
"On their way." sagot ko.
Si Polla at Jane ay nagtapos ng Business Management habang ako naman ay Fashion Designing ang tinapos kong kurso. Venice on the other hand stop for one year. And Last month lang siya gumraduate.
Ngayon ay mag iisang taon na akong nagtatrabaho sa isang isang apparel Company. It was ZaRi Apparel. Isa na akong assisstant designer.
While Venice is a model. Habang wala siyang trabaho ay may mga kumukuha sa kanyang talent agency para gawin siyang modelo. She looks more beautiful.
"Kamusta na si Jaze?" tanong ko sa kanya.
"Still handsome. Minsan ay makulit." sagot niya. I can see the adorotion in her eyes.
Napangiti ako. "I miss him already. Dadaan ako sa linggo sa inyo. Nakalimutan kong dalhin ang mga binili kong laruan para sa kanya." wika ko kaya natawa siya.
"You spoiled my son too much." aniya kaya natawa din ako.
"Ako lang ba? Even Jane and Polla spoiled him." sagot ko kaya napailing siya.
She has a four year old son. Si Jaze. A cute and adorable child.
Ilang sandali pa ay dumating na sina Polla at Jane.
Nag-order na kami ng pagkain at nagkamustahan.
"Anong balak mo?" tanong ni Jane kay Polla.
They are talking about Polla's Job. Gusto siyang papagresign ng Mommy niya para tumulong daw sa business nila.
"I dont know. I'm still thinking about it." aniya kaya napatango ako.
Tinignan ko ang phone ko nang tumunog iyon.
Si Jamie. She's my co worker.
Sinagot ko ang tawag at sinenyasan sila na huwag maingay.
"Hi. Napatawag ka?" wika ko sa kabilang linya.
"Kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ka na ba? Dumating na ang kapalit ni Mr. Guttierez. Kanina pa kami dito sa board room at ikaw na lang ang hinihintay. Umuusok na ang ilong ni dragona." wika niya kaya napakunot ang noo ko.
Ang dragona na tinutukoy niya ay si Miss Marj. She is the head of the designing team. Medyo hindi ko siya gusto because of her attitude. Masyadong mayabang. Well halos lahat kami ay hindi niya kasundo. Ang pinalitan kong Assisstant designer ay nagresign dahil sa kanya. She doesnt want any opinion.
"Akala ko bukas pa darating yon?" wika ko na ang tinutukoy ay ang bagong may ari ng ZaRi.
"He's here. Medyo bad mood pa siya. Pumunta ka na dito. Sa board room ka na dumiretso. Highblood na din si Dragona dahil sayo." wika niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
Si Mr. Guttierez ang isa sa may ari ng ZaRi Apparel but last month he sold his shares to his business partner. Kaya ang control ng kumpanya ay sa business partner na niya. Akala ko ay bukas pa ang dating nito.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN