Chapter 36
"I said lets have lunch." aniya na lalong nakapagpakabog sa dibdib ko.
Kinunot ko ang noo ko bago sumagot. "You're changing the topic!"
"We can talk about it over lunch."
"We can talk now."
"I'm hungry."
Inis na bumuntong hininga ako. "Fine. We can talk after your lunch." pagsuko ko dahil mukhang wala siyang pake sa pinagpuputok ng butse ko!
And I am starting to get irritated again. Naiinis ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko.
Why do I have to feel this damn butterfly in my stomach? Why my heart beats too fast? Why the hell I am so affected by his presence!
Inis na tinalikuran ko siya pero bago pa ako tuluyang makatalikod ay hinila niya ang braso ko kaya napabalik ako sa kinapupwestuhan ko.
"Where are you going?" kunot noong tanong niya habang hawak pa din ang braso ko. May naramdan akong kuryente mula sa kamay niyang nakahawak sa balat ko kaya mabilis kong hinila ang braso ko.
"I-In my office."
"I said let's have lunch together." parang nawawalan ng pasenysang wika niya kaya umiling ako.
"I have plans for lunch."
"What plan?" kunot noong tanong niya.
Bago pa ako makasagot ay tumunog na ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ko at tinignan ang caller. Its Jaze..
Napatingin ako kay Riggs na mas lalong kumunot ang noo nang makita ang pangalan sa phone ko pero ipinagsawalang bahala ko iyon.
"Excuse me Sir."
"Hi baby?" bati ko kay Jaze sa kabilang linya.
Yes he had his own phone. Children nowadays are so smart. Actually hindi dapat siya bibigyan ng phone ni Venice but he needs it. Madalas kasi ay katulong ang kasama ni Jaze dahil nagphophotoshoot si Venice.. Madalas maiwan ang bata sa yaya kaya napagdesisyonan ni Venice na bilhan ito ng phone para anytime ay pwede itong tumawag sa kanila.
"Hi Tita Ynna! I just called because Mommy left her phone here." wika ng bata sa kabilang linya kaya napangiti ako ng hindi ko napapansin.
"Oh I see. Saan ba siya nagpunta?"
"She's working. She called a while ago. Ang sabi niya ay tawagan kita. She asked if you can bring her phone to her and if you can sleep with us tonight. She cant go home because she needs to finish her shoot." kwento nito kaya mas lalo akong napangiti.
Jaze is a smart kid. Hindi siya kagaya ng ibang bata na puro laro ang alam. He's so responsible. Protective sa nanay niya. Maybe it was his instinct to protect Venice since mula noon ay silang dalawa lang lagi. Halos lahat ng nanliligaw kay Venice ay hindi pasado sa kanya. Kapag may dumarating na bisita ang huli ay nandoon din siya sa sala at inoobserbahan ang mga ito. He's so adorable!
"Of course. I will be at the condo later. Diyan na ako matutulog." wika ko.
"Thank you Tita Ynna!"
"Wait for me there. I'll bring some food for us. Lets have a dinner date." wika ko kaya natawa ang bata.
Napapitlag pa ako dahil sa malakas na paglagabog kaya mabilis akong napatingin kay Riggs. Nawala ang ngiti ko dahil sa kanya. Kunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin.
I ended the call immediately at tumikhim bago nagsalita. "Sorry for that. I have to go Sir." wika ko.
"Finish the design later Miss Caballero. I need it today!" paangil na wika niya kaya kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
BITCH SERIES 1: Say I Love You!
Teen Fiction"I said I love you but you chose to walk away and broke my heart." Czarinah Caballero. BITCH SERIES 1: SAY I LOVE YOU BY NAMMMIII-SAN