KYLE'S POV
"Ano?! Ayoko nga!" Tsaka ko pa nabatukan si Lance! Sino ba namang papabor sa naisip niyang ipa-dare kay Cath? Gusto lang naman niya kaming pagsamahin sa iisang kwarto. Dun daw kami matutulog! Sira ulo talaga siya. Gusto kong makasama siya pero hindi sa paraang gusto niya no. Asa pa siya. Baka kung ano pang isipin niya pati mga kaibigan niya. Psh.
"Oo nga. Wag yun. Wag isama si Kyle sa dare. Si Cath lang naman ang dapat idare natin eh." Buti pa 'tong gusto ni Mj nakakatulong. Amy? Abby? Ally? Basta yun. Nakalimutan ko tuloy pangalan niya.
"Eh ano? Isip kayo." Langya, di talaga nag-iisip kaya puro palpak ang suggestion. Idadamay pa ako.
"Bakit ba kasi masyado nating sineseryoso to? This is just a game after all." Sabi ko. Grabe naman kasi sila. Napakaseryoso. Pero kanina ayaw naman maglaro. Mga baliw lang.
"Tama. Tara, balik na tayo dun. Baka tulugan na tayo ni Cath." Sabi ni Sab at tumayo na.
Hindi naman siya agad nakaalis ng pigilan siya ni Lance. O sabihin na nating, dumadamoves lang si Lance. Lakas!
"Sandali lang. Nandito na rin tayo't nag-uusap, suggest na kayo." Ng mapansin ni Sab na medyo matagal na ang pagkakahawak ni Lance sa kamay niya, tinaboy niya ito. Aray naman si Lance. Tsss. Wrong move kasi e.
"Alam ko na!" Napatingin naman kami sa nagsalitang si Abby.
"Bakit hindi natin ipagawa sakanya yung hindi niya pa nasusubukan, or let's just say na, na ayaw niya lang talagang subukan." Tsaka pa ngumiti ng nakakaloko. Napatingin naman ako kay Mj na halata namang in love na in love sa babaeng to.
"Oo nga Abby. Gusto ko yan. Nice idea!" Tsaka pa sila nag-apir. Kami naman walang kaalam-alam sa mga pinagsasabi nila. Hindi pa nga siguro kami ganun magkakilala.
"Gala tayo bukas. Sunday naman. After mass. Kita-kita nalang tayo sa simbahan nun. Diretso sa mall. Doon magyayari ang dare." Mukhang mapagtitripan si Cath ng dalawang to ah. Psh.
"Oh my ghad! I can't imagine how beautiful she is! I'm so excited to see her in a dress and heels! I will also curl her hair and you'll put some accesories to her. Okay?" Medyo maaccent na sabi ni Sab kay Abby. Gets ko na! Boyish kasi kung pumorma siya. At gagawin ng dalawang to bukas na maging bihis babae siya. Grabe! Pati ako excited na rin!
Kung maganda siya ngayon, mas gaganda siya bukas. Pero di na kailangan, natural beauty eh. Hahaha.
"Ang dali naman nun no." Reklamador talaga tong si Lance kahit kailan!
"Hindi madali yun para sakanya no. Sa tanan ng buhay namin, di pa namin siya napilit magsuot ng mga sobrang papambabaeng damit no. Tsaka sinasabi niya kayang parang pambakla ang ibang gamit pambabae. Palibhasa parang lalaki na talaga. Ewan ko ba dyan. Magkaboyfriend lang siguro yan, kawawa ang lalaki. Malakas pa siya sakanya. Hay Cath!"
Ganun? Malawak ba ang imahinasyon ko o OA lang tong mga kaibigan niya? Haha.
"Ano, deal?" Tanong ni Abby kay Cath.
"Tss. Ano pa bang magagawa ko?" Sagot lang niya. Nagrereklamo ba siya o nagpapatawa? Napapasmile ata ako e.
"Yes Cath! Make-up transformation tomo!" Dagdag pa ni Sab.
Tiningnan niya lang si Cath at saka ngumiti ng pilit. Pagkatapos ay inikot niya ulit ang bote.
"Oh my G!" Mahinang reaction ni Sab nung sakanya nakaturo ang bote. Gaganti yang si Cath fatay ka! Hahaha.
CATH'S POV
"Truth or dare?" Mayabang kong tanong kay Sab. Humanda siya ngayon sakin. Mamaya si Abby naman.
"Wag masyadong seryosohin ah. Dare." Walang buhay na sagot niya.
"Ako maguutos no." Sabi ko sa mga kasama namin at tinanguan naman nila ako.
Eto na. Ang dare ay... Hmmm. Ha! Sige yun nalang!
"Hawakan mo yung kamay ni Lance ng mga 10 minutes!" Gaganti lang. Haha.
"Ah? Si Lance? Hahawakan ko kamay niyan? 10 minutes? Ang tagal naman!" Tss. Sabi na e.
"Arte nito. Parang hahawakan lang e." Comment naman ni Lance.
"Tss. Eh sa ayokong hawakan kamay mo eh." Sabay irap nito kay Lance at tumingin naman sa akin. "Pwede naman si Abby nalang. Okaya ikaw. Kung ayaw mo si Kyle nalang. Si kuya." Tss. Reklamo pa sige.
"Osige. Wag na holding hands. Hug nalang. Pero kay Lance pa din. Dami mong reklamo e. Para hahawakan lang naman. Sige, hug. Five minutes!" Utos ko. Yan. Yan ang gusto niyo eh. Sige lang. Make-up transformation pala ah. Sige, push pa.
"Tss. Kainis. Joke lang yung kanina! Sige. Hawakan ko nalang kamay niya." Pero poker face pa din siya. Alam ko namang naiinis siya at ayaw talaga niya ang dare na to. E sa wala akong choice eh. Sorry sila, masyado nilang sineseryoso tong laro. Pero kung tutuusin, kulang pa nga to e. Diba? Pero wala. Inumpisahan nila to e.
"Sure ka? Just to be clear, kapag nag holding hands kayo," tiningnan naman niya ako ng masama at nagets ko naman yon. "O kapag hinawakan mo kamay niya, 10 minutes yun. Pero pag hug naman, 5 minutes lang. Oh, ano? Pili na. May choice ka na nga nyan o." Grabe ang tagal naman sumagot ng babaeng to. Pasuspense pa!
"Hawakan ko nalang nga kamay niya. Baka tsansingin pa ko niyan pag niyakap ko no. Duh!" Nag-inarte naman si Lance na parang nasusuka sa sinabi ni Sab. Sus! Kung alam ko lang talaga, gustong-gusto niya to e.
Nako Lance, laki ng pasasalamat mo sakin tae ka! Hahaha.
"Game. Oorasan ko. Hawak na." Bandang una, naiilang pa sila pero humawak din. Pero si Lance talaga yung humawak sa kamay ni Sab. Baligtad.
"Ang tagal e. Hahawak lang dami pang arte. Malinis kamay ko no." Sus. Push mo yang pagpipigil mo Lance!
Kinikilig naman ang Lola niyo sa dalawang to day! Makausap nga si Lance pag may time. Ang cute lang kasi nilang pagsamahin. Hehe.
Tinime ko naman talaga yung relo ko ng ten minutes pero wala akong balak sabihin sakanila na tapos na yung 10 minutes no. Huh. Bahala siya. Ang hirap kaya ng ipinapagawa nila sakin. Ginusto nila ng dare e. Osige, pagbigyan! Hahahaha.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
JugendliteraturIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))