ABBY'S POV
Sa lahat ng napagdaan ko/namin ng mga kaibigan ko ng mga ilang nakaraang araw, hindi ko pa naku-kwento sa kanila ang pagsosorry at gustong mangyari ni Darius. Although alam nilang nakausap ko si Darius, pero hindi lahat. Nakakainis lang, yung 98% mo na siyang nakalimutan tas dumating siya ulit! Bumaligtad tuloy bigla paksyet lang! Bumalik ulit yung inis, galit, at pagtingin ko sakanya? No! This can't be! Ayoko na nga sakanya! Manglolokong g*go! Feeling niya papauto pa ako?
Sus! Paiyak-iyak ka pa nga nun eh!
K. Author!
Pasuntok ko to kay Cath eh! Lakas pa naman ng babaeng yun! Kaya lang di niya muna magagawa ngayon yun, mahina pa siya. Pagaling muna siya ng makaganti kami. Feeling ko rin ako may kasalanan bat siya nagkaganun eh, kasi naman nagpahintay pa ako sakanya nun, dapat pala pinauwi ko na lang agad siya para di na siya sinundo ng nagkukunwaring student sa school. Okay, enough of that.
Eto nga, nagtetext ang sira-ulong manloloko. Di ko alam saan niya nakuha number ko. Nakakatanga lang, kanina pa ako nagmumura na hindi ko naman hilig. Ewan ko ba buset, naiinis lang talaga siguro ako. Galit lang to! Sorry naman. Bitter ba? Tss. K.
From: 09**71*975*
"Abby? I'm sorry because I make you cry that day. I just want you to be mine again. Please? This is Darius."
Ah ganon? Be mine your face sira!
Ilang segundo meron nanaman. Di ko naman nirereplyan. Diko din sine-save number niya.Ayoko nga! Nakapag-isip isip na din ako ng mga ilang araw, okay lang naman ako sa mga kaibigan ko eh. Tsaka ayoko na talaga. Nagiging tanga lang ako lalo pag pinayagan ko ulit siya. Feeling niya naman! Tss. Oo aaminin ko, meron pa. Pero konti nalang. Sarap niya ngang sapakin pag naaalala ko yung araw na---- ugh nevermind!
"I always think of you."
"Hey! Are you okay?"
"Talk to me please."
"I can't even sleep. Wanna know why? I'm thinking of you. :*"
Sana kapag nakatulog ka, mabangungot ka! May kiss mark ka pang g*go ka! Suntukin ko yang nguso mo eh!
"Abby, forgive me please. I beg you! I'll do everything just to make you mine again."
You'll do everything? Bigti ka bro!
"I loved you ever since. Can we start over again?"
Yes. Ang galing naman palang kumopya ng line sa movie neto! Over again mo mukha mo u*ol! Naiinis nako dahil paulit-ulit nagvi-vibrate ang phone ko. Kaasar! Kaya nireplyan ko na.
"Hoy manahimik ka nga! Tantanan mo na ako please lang! Kaya siguro di ka makatulog kasi binabagabag ka ng konsensiya mo! Oh, sorry. Nakalimutan ko, wala ka palang konsensiya. Wag ka ng magtetext! Sasapakin kita!"
Ang hard ko ba masyado? Eh sa naiinis ako eh. Mukha namang effective eh, di na nagtext ang sira. Kaya pinatong ko na ang phone ko sa table malapit sa kama ko, matutulog na ako!
After 3 minutes, tumutunog ulet! Fck!
*Calling... +639**71*975* *
Tang*na di nga nagtext. Tumatawag naman! Talagang ginagalit ako!
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))