Chapter 18: Dinner

7 0 0
                                    

Hey, ito yung scene o story na dapat nasa chapter 17 na nadelete sa hindi ko malamang dahilan pero eto na nga. Wala na akong magagawa. Pinagpuyatan ko pa naman yun ng ilang araw tas bigla siyang conflict. Tsk. Tsk. Hindi man siya yung exact words na dapat sa chapter 17 pero yun din yun. Sige. Keep reading. Yun lang at babye.

------

CATH'S POV

Hindi ko alam anong problema nila. Bat nagwalk-out yun? Diet daw? Uso ba sa mga lalaki yun?

"Problema nun?" Teka, ako lang ba ang curious o alam nila ang dahilan dahil wala silang pakialam? O talagang may pakialam lang ako sak---. Ay hindi! Bat naman ako magkakaroon ng pakialam? Ano ko ba siya?

Kaibigan.

Oo. Tama! Tama, kaibigan ko naman siya. Galing talaga ng konsensiya ko. Hahaha!

"Nice talking." Ano ba yan, parang wala akong kausap nito eh. Bakit di sila nagsasalita?

"Tss. Ano ba yan. Parang hangin lang pala ako dito e. Nandito nga pero invisible naman." Kainis sila ah. Bibilisan ko na nga lang kumain ng maiwan sila.

"Diet nga daw. Ang kulit ah." Salamat naman kahit papano naisipan niyang magsalita.

"Uso ba sainyo yung diet?"

"Sa amin?" Ang slow.

"Oo sainyo nga. Ang kulit ah." Tsaka ako sinamaan ng ngiti. Ginaya ko kasi e. Hahaha.

"Joke lang, to naman. Sainyong lalake ba uso mag-diet?" At seryoso na po ako.

"Siguro. Diet siya eh. Oo ata." Sagot niya. Ata? Bat di niya alam? Dapat alam niya yun e.  Lance naman e.

"Walang ganang kumain maniniwala pa ako e. Pero diet? Babae lang ang alam kong gumagawa niyan."

Oo nga konsensiya.

Pero pwede rin naman yun sa lalake ah.

Mas magaling Cath! Hehehe.

"Eto kasi ang daldal eh." Inis na sabi ni Mj Kay lance. Bakit?

"Ano? Wag ka nga. Nakalusot na nga e." Sagot niya. Badtrip ano nanaman to?

"Tingnan mo tuloy umalis." Si Kyle ba pinag-uusapan nila?

"Hayaan mo, ako bahala dyan."

"Tandaan mo, nadulas ka. Tsk. Patay ka sakanya pag nalaman niya yun." Nadulas? Ang tanga naman pala ni Lance! Poor boy. Tsk. Nasugatan kaya siya? Tanga talaga.

Pero grabe naman, para nadulas lang siya, kung makapag-usap sila para ang seryoso. Weirdo.

"Ehem-ehem!" Pagpaparinig ko. Nakakahiya naman kasi sakanila no. Para namang walang tao sa harapan nila e no. Nakakahiya!

Sabay naman nila akong tiningnan. Nagulat lang?

"May tao kaya dito. Tss. Ano ba kasing pinag-uusapan niyo dyan?" Ayan. Nagiging chismosa na ako. Haay.

"Kung makapag-usap kasi kayo, parang wala siy--kami dito no. Tss. Kalalaking tao ang dadaldal." Tama si Abby.

"Kung mag-uusap kayo ng kayong dalawa lang, wag dito sa harap namin ah. Baka kung ano pang marinig namin e." Tsaka sila inirapan ni Sab. Mabuti naman nagsalita din sila. Akala ko naman ako lang ang parang tanga na nag-iisip dito kung ano man ang pinag-uusapan nila. Eh ano naman diba? Parang nadulas lang si Lance. Tss. Tss.

My Partner :) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon