ABBY'S POV
Hay nako, baliw talaga tong si Cath! Kung ano-anong pumapasok sa isip niya! Si Sab, pinahawak ang kamay kay Lance in ten minutes! Si Lance nag-dare din kaya pinag-acting siya na parang bakla. Di lang acting, pati pagsasalita. Gagi talaga. Buti nalang nasa mood siya ngayon para patulan mga kabaliwan ng kaibigan kong to e. Pero nice ah. Ang dali maka-close ng mga lalaking to ah. Kahit famous at yeah, gwapo naman talaga sila e. May tinatago rin nga lang kabaliwan.
Si Kyle naman nag-truth kaya tinanong lang siya ni Cath. Yeah, seriously, siya lang nag-uutos at nagtatanong magmula kanina. Baka gumaganti dahil sa gagawin namin bukas sakanya. Hahaha.
"Who is your..." Pinaglalaruan pa niya yung kamay niya habang nag-iisip ng itatanong.
"Ay eto nalang. Ano. Hmm. Teka lang ah." Nag-aalangan pa ata sa itatanong niya.
"Magbigay ka ng tatlong babaeng minahal o minamahal, mamahalin o pinapahalagaan mo ng sobra." Tsaka pa ngumiti. Taeng tanong. Personal na yon e!
"Are you serious?" Gulat na tanong ni Kyle.
"Do I look like, joking?" Pfft! Galing talaga mambara neto e. Nahawa na ni Sab!
"First, my mom. Of course." Sagot ni Kyle. Galiiing sumagot. Nice, nice.
"She loves me and I loved her. I'm loving her, and I will love her 'til the end of my life." Papalakpak na sana kami pero parang seryoso siya sa sasabihin niya. Kaya wag nalang.
"After my mom is my sister." Nagulat naman kami sa sinabi niya. May kapatid pala siya? Babae pa. Alam ko only child siya e. Ang gulo.
"She died when we were born. Yeah, I have a twin sister. I've never seen her face, I've never had the chance to hear her voice, see her smile, and all. But I love her. I know. She knows." Then he stopped for a second and continued. "I wish I was the one. The one who died." Grabe pala, may dinaramdam din pala to e. Buti nalang andito kami, nakikinig sakanya. Sometimes, people only need someone to listen to their problems or heartaches. That's all. Just a listening ears.
"Pare, wag mo ngang sabihin yan. It's God's will. There's always a reason behind what had happened to your sister. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Besides, wala ka pang kaalam-alam sa mundo nung nangyari yun." Tama nga naman si Mj. Bakit niya sisisihin yung sarili niya e wala naman may gusto ng nangyari. At alam kong may dahilan talaga ang Diyos.
"Maybe God has a better idea for you. For her." Sabi naman ni Sab tsaka ngumiti.
"Just always remember, we're always here for you. Para san pa't pinagtagpo-tagpo tayo ng tadhana kung di natin pahahalagaan ang isa't-isa diba?" Sabi din naman ni Cath. Tama e. Buti pa siya always positive. Daming words of wisdom into e. Pag siya na talaga nagsalita, mababaw pero may sense. Di seryoso pero totoo. Ah? Ano daw? Basta yun.
Ngitian lang kami ni Kyle kaya sa huli...
"Group huuuug!" Sigaw naming sabay-sabay tsaka tumawa. Diko alam anong nakakatawa. O baka masaya lang talaga kami.
"At bago pa tayo mag-iyakan, sino ang pangatlo Kyle?" Anong pangatlong sinasabi ni Cath?
"Ah?" React ko.
"Diba tatlong babae ang babanggitin niya." Ah. Wala talagang makakatakas sa babaeng to e.
"Third girl? Hmm." Bumalik na sa dati ang mood at nag-iisip ngayon ng isasagot si Kyle.
"Siguro ikaw. I-i mean, kayo!" Correction pa nito. She's referring to Cath in ikaw. Sus. Di pa aamin eh. Bat ba nagiging torpe ang lalaki? Bahala siya pag naunahan siya ng iba kay Cath.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))