KYLE'S POV
Panalo kami sa basketball kanina. Ang astig lang nung na-shoot ni Lance yung last! Kung hindi patay kami. 50-50 ang panalo. Hahaha.
Mga ilang minuto ng matapos ang game ay bigla nalang nagtext si mama. Ewan ko bat alam niya na panalo kami. Ang alam ko lang ay alam niyang may laro kami ngayon. Pero di ko pa siya tinetext na panalo kami.
"And galing niyo talaga anak! I'm very proud to all of you! And because of that, I want to have a simple celebration for you and your friends. Invite them in our home and we'll have dinner and I'll give you time to do what you want then. Congrats!"
Sabi niya sa text. Di pa naman new year pero parang may pagbabago kay mama. Di naman yan talaga sweet e. Di rin yan mahilig mag-invite ng kung sino sa bahay at first time niya din ako/kaming batiin ng congratulations. Last na sinabi biya yun noong graduation ko ng high school--- valedictorian kasi ako nun.
Nangyari ang lahat ng yan noong magheart to heart talk kami. Nung nakidnapped si pusa. Nung inamin ko mismo sakanya yung nararamdaman ko sa isang babae. Buti nga naintindihan niya ako at pumayag siya. At least ngayon may time na siya para sa akin.
"Pare mamaya. Sa bahay namin. My mom invites you. Magsama nalang kayo ng iba para masaya." Sabi ko pagkabasa ng text ni mama.
"Nice! Gusto ko yan. Hahaha. Ay wag na tayong magsama, tayo-tayo nalang tsaka yung tatlo." Suggest ni Lance habang ngingiti-ngiti pa ang loko.
"Tatlo?"
"Sina Sab. Tsaka yung dalawa. Mas masaya yun. Next time nalang yayain yung iba." Sabi niya pa habang nag-aayos kami ng gamit.
*fastforward*
Nandito lang ako sa sala habang hinihintay sila.
Nga pala, di na ako sa village malapit kina Lance at Mj nagse-stay. Dito na ako sa bahay talaga namin. May kalayuan nga lang sa school pero may kotse naman. Oo ginagamit ko na talaga. No choice. Hahaha.
Hinihintay ko pa yung apat. Si Lance kasi eto, kararating lang. Nakikinuod din ng basketball dito sa sala.
"Ang tagal naman. Gutom na ako." Reklamo niya.
"May pagkain na dun sa mesa. Kain ka na." Sabi ko ng lumayas siya dito sa tabi ko dahil nakakasawa na mukha niya.
"Tara." Yaya pa niya.
"Mamaya pa ako kakain. Hihintayin ko muna sila para sabay-sabay." Sabi ko pero gusto ko lang talagang makasabay siya--- si pusaaa. Hehe.
"Tss. Di ka pa gutom? Wala kasi akong kasama e." Tingnan mo to, kasama lang pala ang kailangan e.
"Gusto mo ba ng kasama? Madaming kasambahay dyan. Baka gutom na din. Yayain mo na huwag ka ng mahiya." Pfft! Natatawa ako tae padate ko kaya siya. Hahahaha!
"Gago ka may Sabrina na ako!" Tsaka niya binato yung unan na kinuha niya sa sofa. Nasalo ko naman yun. Kala niya ah. Basketball player nga diba?
"Haynako, may Sab ka nga, gusto ka ba? Hahaha e ini-snob ka nga nun e!" Tsaka ko pa siya tinawanan. Gagi talaga di man naisip yun. Wala siyang masabi ngayon oh! "Sabihin mo sakin yan pag kayo na!" At binato ko naman sakanya bigla yung unan na binato niya kanina sa akin. Masyado atang mabilis ang pagbato ko at di niya napansin kaya natamaan siya at umupo nalang.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))