Cath's POV
Naka-recover na ang maganda, sa wakas! Hahaha. Na-miss niyo kabaliwan ko no? Hehe. Ako din namiss ko kagandahan ko. Chos. XD Sorry ang hyper ko masyado. Kasi naman, sa monday periodic exam na tapos ang dami ko pang na-missed na topic every subject. Kamusta naman grades ko niyan kapag di ako nag-aral no? Grabe. 2 days kong pag-aaralan lahat ng yon? 2 days lang? Samantalang 1 week akong absent. .Wow lang. Eh ayoko namang mag-special exam. Di naman ako special. Hehe. Eh ayoko. Ayoko ngang mag-absent kaso pag pumasok ako lalo lang akong mese-stress sa school. Alam niyo na. Move on daw sabi nung doctor eh. Edi.move on! Pero mahirap yun ah. Wew XD
Oh guys eto na talaga. Magtitino nako sige.
Pero wait lang pala, di ba kayo nagtataka bat ang saya-saya ko pagkatapos ng nangyari sakin? Oh ayan, nagtataka na kayo. Kailangan ko pa talaga kayong i-remind na magtaka kayo no? Hahaha. Kasi ganito yun...
FLASHBACK
(Friday; 6;30am; bago pumasok ng school si Kyle)
(Diba sakanila ako nag-stay habang nagpapahinga. Ewan ko ba sa mama ko bakit pumayag na dito muna ako. Nakakahiya. Pinamimigay na ata ako. XD)
"Oy gusto ko ng pumasok. Ang dami ko ng lesson na kailangan habulin eh." sabi ko habang nag-aayos siya ng buhok sa harap ng salamin sa sala nila. Andito lang ako sa sofa nakaupo. Panood nood tsaka soundtrip. Tas lagi pa akong pinapagpahinga tsaka pinapatulog. Kaasar lang. Parang ang OA ng mga kasambahay nilang mag-alaga eh. Hehe.
"Di ka pweding tumakbo. Mapapagod ka lang." pagbibiro niya. Aba sira to ah!
"Ha-ha-ha. Di nakakatawa. Seryoso ako eh. Papasok ako mamaya. Magha-half day kasi ako." sabi ko. Eh atat na atat na akong makasama ulit mga kaibigan ko sa school eh. :3
"Cath, wag na muna. Papakiusapan ko nalang yung adviser mo. Sabihin ko magtake ka nalang ng special exam." pagpapaliwanag nito habang nag-aayos pa rin ng buhok. Ano bang meron sa buhok ng mga lalaking to bat ang tagal mag-ayos? -.-
"Ih ayoko nun. Special quiz nga di ako nagte-take tas exam pa." pagrereklamo ko. Haha.
"Ang kulit mo talaga. Osige, tutulungan nalang kitang magreview sa lahat ng subjects.Dito ka nalang muna. Sabado tsaka linggo yung review. Whole day. Bawal magsama. Dito tayo sa amin." Hala. Anong malay nito sa mga lessons namin? Magkaiba kaya lesson ng 4th year at 3rd year. :3
"Hoy 4th year ka na po. 3rd year palang ako. Advance kayo. Kina Sab at Abby nalang ako papareview. Kaming tatlo." sabi ko. Edi kasi kapag siya nagturo sakin baka di ako sa lesson magconcentrate, sakanya. Hahahahaha. Joke po. :)
"Basta, ako bahala." sabi niya at natapos din sa pag-aayos ng buhok.
"Ih ewan ko sayo. Sakanila ako papaturo. Alis kana nga. Di kana natapos dyan sa buhok mo. Ano bang meron dyan? Guluhin ko ulit gusto mo? Dito dali." tsaka ako tatawa-tawa.
Nag-smile naman siya ng pilit. Ang cute lang. :) "Inggit ka lang kasi di ka pa pwedeng pumasok." tsaka niya ako binelatan. Sht ang gay. XD joke.
"Di kaya. Tinamad na akong pumasok. Makikita nanaman kita. Nakakasawa na pagmumukha mo eh." hahaha. Sabi ko yan sakanya tsaka naging malungkot naman yung aura niya.
Joke lang 'to naman, gusto ko ngang pumasok para di ka mawala sa paningin ko eh.
"Ang sama mo. Ge alis na ako." sabi niya tsaka na tumalikod at palabas na. "Dito ka lang. Tuturuan na kita pagkauwi ko." nakita ko pa nung pumasok na siya sa sasakyan tsaka na umalis.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
TienerfictieIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))