CATH'S POV
... Naputol ang daydreaming ko ng biglang magsalita ang kuya ni Sab, si Mj.
"We're here guys" -sabi niya. Di ko namalayan na nandito na kami sa mall agad.
"Grabe, ang traffic ngayon no." dagdag niya pa. Aba! May traffic pa pala? Hindi ko alam yun ah. Haba naman ata masyado ng ilusyon ko. Seryoso? Nalibang ko sarili ko sa pag-iisip tungkol sakanya? Ayos pa ba ako? O__O
KYLE'S POV
Halos nakasandal na ako sa balikat ni Cath dahil nakatulog ako habang nagba-biyahe. Ang traffic din. Hindi naman niya ako ginising, buti nalang naalimpungatan ako nung magsalita si Mj.
"We're here guys.. Grabe ang traffic ngayon no." reklamo niya. Sabagay, driver eh.
"Oo nga eh. Kaya nga nilanggam dito oh." sabi ni Lance habang patingin-tingin siya sa amin ni Cath.
"Anong nilanggam? Asan?" nagtataka kong tanong kay Lance.
"Wala. Hahaha." sagot niya tapos nagtawanan lang sila. Silang lahat. OP kami ni Cath eh.
"Ahaha. Tara na gutom na ako eh." singit ni Mj habang tumatawa pa sila sa hindi ko alam na dahilan. Kasi nga nakatulog ako.
"Oo nga. Mabuti pa. Gutom na rin ako. Tsaka tumigil na nga kayo sa kakatawa." seryoso kong sabi sa kanilang lahat. Tumahimik naman silang lahat maliban kay Lance. Oo tumahimik siya pero halatang pinipigilan ang mga tawa niya.
Humarap ako sakanya, kunwari galit ako.
"Isa pa!" sabi ko, nanahimik siya. Napahiya kay Sab eh.
Nasa mismong mall na kami at dahil gutom na ako, kami, sa McDo kami dumiretso. Masarap yung fries dito eh.
Request din ito nung dalawang magkapatid. Miss na din daw nila yung McDo fries. Haha. Wala namang masyadong tao kaya mas mabilis kaming makaka-order. Lunch na kasi at talagang gutom na kami. Teka, ilang beses ko na bang sinabing gutom na ako? XD Mahigit isang oras din kasi ang biyahe kaya alam kong pagod na si Mj sa pagda-drive. Kaya wala ng nag-inarte, dito nalang. It is a free country, remember? Haha.
Nakahanap naman kami agad ng uupuan at umorder na sina Cath at Sab tsaka humabol pa si Lance. Tss, papapansin lang yun kay Sab eh. Nag-excuse naman si Abby para mag-cr. At kaming dalawa ni Mj, naghihintay lang. Haha.
Nananahimik ang bagong gising at biglang binasag ni Mj ang katahimikan.
"Kyle, gusto mo si Cath no?" Hala. Lakas maka-detective conan nito. Tsaka diretsahan ah. Wala mang.. ay naku!! Nakakabigla.
"Ako? Si Cath? Gusto ko? Hindi no." pagsisinungaling ko. Hindi ko naman ikinakahiya na gusto ko siya. Bukod sa maganda siya kahit sa simpleng porma niya lang, mabait, tsaka madali siyang kaibiganin. Ayokong sabihin sa kanilang dalawa ni Lance dahil pagtitripan lang nila ako kapag sinabi ko. Kaya sinasarili ko muna.
"Hindi nga, alam kong nagsisinungaling ka lang. Yung totoo?" sabi niya ulit. Pinagloloko ata ako nito ah, alam niya pala itatanong pa.
"Bakit ba?" sabi ko, baka may balak siyang ligawan si Cath kaya niya ako tinatanong. Malaking gulo kung totoo ang hinala ko. Di ako papayag."Wala naman, di mo pa kasi sabihin eh. Sa 'ting dalawa lang. At isa pa, kilala na kita, kami ni Lance. Alam naming ayaw mong pinaliligiran ka ng mga babae. At isa pa, sinabi mo naman sa amin noon na ayaw mo talaga sa mga babae. Eh wala nga kaming alam o kilala na babae na kaibigan mo eh." totoo yung mga sinabi niya, pero deadma lang ako.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))