Warning! Warning! Warning! ⚠
Hahahaha. De joke lang, some reminders lang to.
Siguro naguguluhan na yung iba o kayo sa story? Ang layo naman kasi ng ng prologue ko dun kung babalikan niyo man, diba? Kaya wag ng dumepende dun kasi may iba nakong naiisip. Yun lang. Ay tsaka pala, teka nakalimutan ko. Hehe. Ah! Magcomment naman kayo para malaman ko mga hinanakit niyo tsaka pleasssse vote. Thank yowww! :)
-shie ××
***********************************
MJ'S POV
Malapit na. Malapit na ang araw na ayaw naming dumating. Pinagkaisahan nanaman kaming mga gwapo sa klase. Lol.
Ganito kasi nangyari...
"Class, we just have our meeting yesterday about the English week to start on Monday. And it's not new to you that every class section should have a presentation. And that's what we need to talk about right now." Ano ba yang pinagsasabi ng class adviser namin? Nakakaantok na nga, kaantok pa siyang magsalita. Ganito na lang ba araw-araw? Makatulog na nga lang.
Bago ko pa ipatong sa desk ang ulo ko, tiningnan ko muna sina Kyle at Lance at ganun din sila, nakayuko na at sa tingin ko nananaginip na silang pareho ngayon.
Salita lang siya ng salita hanggang sa marinig ko ang pangalan ko--- namin pala. Kaya napatingin ako bigla sakanya. Pati yung dalawa gising agad.
"Mr. Ongsee, Chua, and Lee. You'll be the performers for our presentation this Monday because all you did is just sleep at my class while I'm discussing here!" Naramdaman ko pang galit siya dahil sa tono ng kanyang boses.
No, I'm not sleeping. I just take a nap.
Gusto ko sanang sabihin sakanya yan kaya lang wag na. Pupula siya lalo sa galit.
"Sorry sir." Naantok pang sabi ni Kyle na kinainis pa lalo ng adviser namin pero ikinangiti naman ng mga babae. Anong nakakatuwa dun? Girls. Ugh.
"Sir ano po bang gagawin sa Monday? Tsaka seryoso po kayo kaming tatlo lang? Bakit puro lalaki? Pwede ba yun?" Sunod-sunod na tanong ni Lance.
"Who wants to be the partner of Lance? Nakakahiya naman sakanya gusto niyang magperform na may kasamang babae sa grupo." Tanong ng teacher namin sa mga babae at nagtaas naman ng kamay si Ally na may gusto sakanya at isinisigaw ng mga kaklase namin ang pangalan nilang dalawa.
Oh ayan Lance, ginusto mo yan bahala ka ngayon. Basta ako ayoko ng partner. Hahahaha.
Hindi na ako magrereklamo baka hindi ko pa magustuhan yung consequence. Lol.
"Apat na kayong magpeperform ngayon. Kyle and Mj, kayo ng bahala sa ipeperform niyo at puntahan niyo ako mamaya sa faculty. And you, Lance and Ally, both of you will sing. Alam niyo yung kantang may part yung babae at lalaki? Ganun ang gusto ko. Kayo ng bahalang mag-usap. Class, dismissed." Napahawak naman sa ulo ang baliw na Lance. Ang adik kase e. Kung ako sakanya dapat di nalang siya nagreklamo. May panira tuloy. Imbes na kaming tatlo lang ang kakanta at maeenjoy pa namin, nagpasama pa ng babae. Ayan tuloy, kaming dalawa nalang ni Kyle mageenjoy.
"Bad trip naman kase magtataas pa ng kamay." Pagpaparinig ni Lance kay Ally nung palabas na kami ng room.
"Sorry." Sagot agad ni Ally ng sincere. "Kung ayaw mo naman okay lang na kayong tatlo lang. Nagtanong lang naman si Sir kaya nagtaas ako ng kamay." Sabi pa nito in a low voice.
"Tsk. Wala na akong magagawa. Isip ka nalang ng kakantahin at itext mo nalang sa akin ang title ng makapag-practice ako." Pagkasabi niya nun umalis na kami at nakita ko pang ngumiti si Ally kahit walang ganang sinabi pa yun ni Lance. Kakaiba. Anong ikangingiti mo dun? Ang gulo talaga.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))