SAB'S POV
Magwa-one week na din simula nung aminin sa amin ni kuya na gusto niya nga si Abby.
Ewan ko lang kung kamusta na sila ngayon. Madalas naman silang magkita dahil nga lagi na akong sumasabay kay kuya ngayon pag-uwi at lagi ko silang kasama ni Cath. Pero wala talaga akong alam kung napano na ang pagkakaibigan nila pagkatapos nung confession choo choo ni kuya. Hahahaha.
Ang OA no? Joke. E kaya ko lang naman nasabi yan e kasi naman, diba, pag magkaibigan kayo tas malalaman mong may gusto sayo yung kaibigan mong yun, yung ibang tao lalayo. May ganyan. Pero yung iba di naman. Aba! Dapat lang. Magkaibigan parin sila and friendship has no break-up or cool-off thingy. Kaya di uso sa akin yang lovelife na yan e. Para san pa diba? Ayoko ngang masaktan at magpakatanga.
Yung dare naman namin kay Cath, di niya ginawa lahat pero napag-dress namin siya. Hahaha. Ang ganda niya kaya. Oo na, mas maganda na siya sa amin pag nabihisan ng pambabae talaga. Sa sobrang simple niya kasi, malapit na siya sa pagiging manang. Alam mo yun.
At dahil nga yung dress code lang ang ginawa niya, syempre nilibre niya kami.
At hindi lang yon ang good news. Hahaha. Good news talaga eh no.
Syempre pinicturan din namin siya. Ng naka-dress pero naka-shoes nga lang din. At dahil pinakialaman ko nung isang araw yung facebook account niya, pinalitan ko profile picture niya with the caption 'a girl turned into a princess'. Hahahaha. Ang dami ko lang tawa dun! Hahaha. Singdami ng likes at comments like...
Ate Cath! Ikaw ba talaga yan?
(Tyrone)
Mas lalo kang gumanda tol. Hahaha.
(Kuya Xander)
May kapatid na pala akong babae ah. Ang cute mo dyan! Hahaha.
(Ang poging-poging si kuya Kurt. Hahaha)
At ang dami pa.
Yung likes? Di kapani-paniwala. Wag ng alamin. Hahaha
Gusto niyo malaman?
Wag na. Di talaga kayo maniniwala. Hahaha.
Hulaan niyo. Hehe.
Sige na nga sasabihin ko na.
Kyle Adrian Chua, Kurt Gabriel Evidente and 968 others like this.
Well, totoo yan. Diko din alam pano yan nangyari eh. Basta ang galing ko talaga. Hahaha.
Yung picture na yun kinuhanan namin siya nung nakatayo siya at may tinitingnang bola ng volley ball habang nakahawak ng coffee sa Starbucks. Ang cute kasi nakasmile siya e. At isa pa, ang ganda ng kuha ko. Hahaha.
Moving fast...
At dahil nga English week na next week at limang araw nalang ang natitira para sa preparation namin kasama na ang Saturday and Sunday, eto at pinagdedebatihan na ng mga kaklase ko ang presentation ng section namin.
"Papag-story telling niyo nalang po si Cath! Tungkol sa nangyari sa kanya nun! Hahaha." Walang-hiyang Angelo, baliw talaga.
Sabay naman namin siyang binatukan ni Abby dahil abot ko naman siya mula dito sa kinauupuan ko. Tiningnan lang naman siya ng masama ni Cath.
"Araaay. Napaka-sadista niyong magkakaibigan. Nagbibiro lang eh. Grabe ang sakit! Pag nabawasan kagwapuhan ko nito kasalanan niyo!" Tae ang kapal ng mukha.
"Wala namang mababawasan kasi wala naman talaga!" Binatukan pa ulit siya ni Abby pagkasabi nun. Hahaha. Kawawa pero buti nga sakanya.
Nanahimik na siya at di na nagsalita pa. Hahaha.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Ficção AdolescenteIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))