Chapter 6.1: Knowing You Better

40 2 0
                                    

First day of closeness and happiness with the one I like is one of the most beautiful experience in this world. :)

-Author

MJ'S POV

Saktong 8:30am na pero tulog pa din si Sab. Grabe, tulog mantika kasi 'tong babaeng 'to. 10:30am ang usapan ng oras para pumunta sa mall. Pero mga 11:30 siguro pa lang kami makakarating, tagal no? Traffic kasi lagi sa dadaanan namin. :3

Kasama niya ang mga kaibigan niya, kasama ko rin naman ang mga kabarkada ko. Ako nanaman ang magda-drive ng sasakyan naming lahat para sabay-sabay na lang. Kami na rin ang ng kapatid ko ang susundo kina Lance, Kyle, Abby, at kay Cath. Tinatamad kasi si Lance na pumunta sa amin kasi magpapa-gwapo daw para kay Sab. Tss. Ang korny talaga ng lalaking yun. Kaya pinilit niya ako kagabi na puntahan na lang daw siya, pati si Kyle. Kahit minsan ata hindi pa sila sinipag eh. Wala naman kasi kaming gagawin ngayon kaya ko naisip na lumabas kasama sila. Nakakasawa rin kasing puro basketball every Saturday eh. Pero panigurado, masaya 'to! =D

Teka, gigisingin ko lang muna ang kapatid ko. Haha.

SAB'S POV

"Saabrinaaa!" -sigaw ni kuya kaya naman bigla akong nagising. Tsk, panira ng tulog. -___-

"Bakit? Napano ka niyan?! Istorbo eh kuya. Nakita mo ng natutulog ako tas sisigaw ka." Naiinis kong sabi sakanya, sino ba namang hindi maiinis? Kaaga-aga mababadtrip. Tss. Buti nalang tinatamad pa akong tumayo nun kaya hindi ko siya nabatukan. Haha. Joke. At isa pang mabuti dun, hindi natuloy yung sports fest dapat namin kahapon, kasi tinatamad ako, kaya pinakansel (cancel) ko. Lols. Dejoke lang yun. Hindi pa daw kasi final yung teams kaya aayusin pa lang. Kung natuloy yun, malamang walang sasama kay kuya sa mall ngayon kasi pagod lahat.

"Bumangon ka na nga diyan senyorita at mag-aalas nuwebe na po. Tulog mantika ka kasi! Bumangon ka na!!" -alas nuwebe? Ang aga pa kaya no. Mga 7am pa lang siguro sa tingin ko. Matingnan nga yung oras. Tiningnan ko sa phone ko.

"Ay oo nga. 8:52 na agad? Bilis naman ng oras." -nagtataka kong sabi habang si kuya pala ay nakatingin pa rin sa akin. :3

"Oh ano? Tititigan mo na lang ang oras? 10:30 ang alis natin at marami pa tayong susunduin. Tumayo ka na diyan at kumilos mahal na reyna slash sleeping beauty" -pang'iinis niya. Wow ah. Senyorita kanina, reyna slash sleeping beauty naman ngayon.

"Che! Ano mamaya? Cinderella?" mataray kong sagot sabay tayo diretso sa banyo para maligo. Para kasing porma nalang ang kulang sakanya, nahiya naman ako no.

After few minutes, natapos na ako.

Nakasuot ako ng dress na above the knee. Pero hindi naman siya sobrang iksi. Tsaka doll shoes lang din. Nag-ayos na din ako ng buhok at konting face powder. Hindi ako nagme-make'up. Sabi nga ni Cath, there is beauty in simplicity. Aye! :)

Pagkatapos ng kung ano-anong pinanggagawa ko, lumabas na ako ng kwarto ko.

Pumunta ako sa harapan ng pintuan ng kwarto ni kuya. Gaganti lang naman ako.

"Kuyaaa! Ang tagal mo. 10 o'clock naaa!" sigaw ko. Wala naman siguro akong nabulabog dahil nasa office na si mama at papa. Binuksan niya agad.

"Ang ingay mo! Tapos na ako. Kanina pa!" sabi niya habang palabas siya sa kwarto niya. Psh. Ako nang pahiya.

"Sorry naman. ang porma mo ngayon ah. May ka-date ka siguro no? Yes, may lovelife na ulit si kuya." Sabi ko na may kasama pang tapik sa braso niya. Promise, kakaiba talaga siya ngayon. At nahalata ko siyang naka-smile habang palabas na kami ng bahay. Sino kaya ang nasa isip neto?

My Partner :) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon