KYLE'S POV
Hay grabe, sa wakas nakauwi na rin. Tae, malapit nang malaman ng barkada na gusto ko nga si ----. Lalo na si Lance. Tss. Itatago ko pa ba sa inyo kung sino? Mukhang nahahalata niyo na rin eh. Alam ko naman kasing hindi kayo slow. Haha.
Ang kulit kasi ni Lance, hindi mapakali sa pagtatanong. Buti na lang, marunong maki-sakay si Mj sa mga pinagsasabi ko. Pero bakit parang alam niya ang gagawin niya makalusot lang kay Lance? Di kaya, baka may gusto din siya kay Cath okaya kay Abby. Tss, nako naman. may kaagaw pa ata ako? Pumupuso na din siya. Magulo din ang buhay niya ah.
Kinuha ko yung phone ko tapos tinawagan ko siya.
*Kringg.. kringg.. kringg..* Ang tagal naman sumagot neto.
Dinial ko ulit. *Kringg.. kri----* sumagot din.
"Mj?" tanong ko.
"Oh bakit?" nagmamadali pa ata siya.
"May tatano---" hindi pa ako tapos sumagot na siya. Ang bilis naman ngayon.
"Ano?" halatang nagmamadali talaga sa tono ng boses niya eh.
"Ang high blood mo pare. Busy ka ba?" sabi ko.
"Ah. Pasensiya na. Eh naliligo kasi ako. Ang ingay-ingay ng cellphone ko kaya lumabas muna ako. Oy, nakatuwalya ako ah! Baka anong isipin mo!" paalala niya pa. Haha.
"alam ko syempre. Hahaha. Sige mamaya na lang." Sabi ko sabay baba dun sa phone. Istorbo ako eh no? Haha.
Nako, ibang klase talaga ang trip ni pareng Mj. Eh si Catherine May Evidente-Chua kaya, hay maka 'chua' naman ako akala mo akin siya eh. And yes, siya nga yung tinutukoy kong babaeng gusto ko. Alam niyo na kanina pa, diba? Ano kayang ginagawa nun? Okay lang kaya siya o pinoproblema niya kaya ang ka-gwapuhan ko? Haha. ang hangin ko talaga. Tsk. Assuming talaga ako, eh hindi man nga daw ako kilala nun eh. Saklap. </3
CATH'S POV
Hay anak ng nanay mo! Nako naman, 3 years ko nang crush yung lalaking yun pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Alam ko na ata dati yun o narinig ko na. Kailan na nga kasi yun? O_O Ay oo! Nung interaction ata. Yung ka-team ko, yung si Sam. Sinabi na niya pangalan nun kaya lang nakalimutan ko. Muntanga kase. Ewan ko ba. Pero crush din siya ni Sam. Baka sabihin niya pa na inaagaw ko siya. Nako naman! buhay nga naman. -.- Ano kaya talagang pangalan nun? Stalker niya nga ako pero hindi ko siya kilala. Oh Lord! Kill me now! Tss. Barkada pa naman yun nung kuya ni Sab. Kilala ko lang si Lance kasi patayna patay yun kay Sab. Hindi nga lang alam ni Sab, kahit ni Abby. Nahahalata ko lang naman kase. Malas naman. sana makila---
*Na na na na na, na na na na na. He takes your hand, I die a little. I watch your eyes, and I'm in riddles. Why can't you look at me like that?...* may tumatawag. By the way, ringtone ko nga pala. I Wish by One Direction. Yay!
"Oh bakit, Sab?" kakaisip ko lang kay Sab kanina tapos eto siya ngayon yumatawag.
"Hmm.. Tanong ko lang kung wala kang gagawin this weekend." Tanong niya.
"Ah. May 2 tayong projects diba? Gagawin ko yun sa weekend eh. Bakit pala?" tinatamad kasi ako. Haha. Bale, palusot ko lang yun. Tapos na 'ko sa mga project ko.
"Ah. Kasi tinatanong ni kuya kung gusto daw natin sumama mamasyal sa kanila." Oh. Kasama pala niya kuya niya.
"Sinong sila?" tanong ko.
"Tinanong ko na si Abby kung gusto niya. Okay lang daw sabi niya. Tsaka kasama ni kuya mga barkada niya. Yung dalawang loko-loko." Kung maka'loko-loko' naman tong babaeng to akala mo matino eh.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Novela JuvenilIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))