Chapter 26: Bestfriend-zoned

36 1 2
                                    

CATH'S POV

Whaaaaaaaaa! Hindi ako makatuloooog! 1:53am na pero ayaw talaga pumikit ng mga mata ko, grabe, bakit?


Kasalan to ni Kyle e. Kasalanan to ni Kyle! Jusko akala ko naman gusto din niya ako. Ang sakit, akala ko lang pala. No choice lang pala siya kaya sakin dinedicate. Wow ah. Paano nalang kung hindi kami nagkakilala? Edi wala siyang kakantahan ganun? Sus grabe.


Nasa kalagitnaan siya ng kanta niya ng mapaluha nalang ako. Ang OA ng mga mata kong to. May paluha luha pang nalalaman e kinakantahan lang naman ako.


"Oy girl, haba ng buhok mo bruha ka! Kinakantahan ka ni Kyle sa harap ng maraming tao! Remember, he is Kyle Adrian Chua, the ultimate sweetheart of the campus! We should celebrate! Hinaharana ka niyaaa yieeeh!" Graba bakit kasi bakla tong katabi ko? Ang daldal. Nag-iimagine tuloy ako ng mga bagay bagay. Kinakantahan daw ako ni Kyle, harana syempre. Oh my ghad! Naiiyak ako syems. May tao palang mag-eeffort ng ganito sakin kahit hindi naman kailangan. Feeling ko kasi hindi ako isa sa mga babaeng karapat-dapat na ituring prinsesa. Ugh, sa bihis ko pa lang, malayo talaga sa pagiging prinsesa. Lol. Sige lang Cath, ibaba mo pa self-esteem mo!

"Huwag kang yuyuko. Kyle is trying to look at you straight from the eyes. Eye contact girl. Hay dyosang bakla kinikilig talaga ako. Sana ako nalaaaaang!" Hindi ko alam bakit ako tumatawa e naiiyak nga ako. Kaasar kasi tong katabi ko, parang mas kinikilig pa sa akin. Napatigin tuloy ako sakanya, kay Kyle. Totoo nga pinagsasabi ng babaitang to. Nakatingin nga siya! Feeling ko matutunaw ako dito sa loob ng ilang segundo lang. Hay Kyle.


"Cath. Papalapit siya. Hala. Sayo papunta." Teka lang, teka lang, yung puso ko wait! Ang bilis syemay bakit ba kasi papunta siya dito? Dapat sa backstage to dumiretso e.

Whaaaa yung luha ko pala! Dapat di niya to makita jusqo nakakahiya! Noooooo.


Punas pa Cath. Malapit na siya.

"Hi fafa Kyle." Bati sakanya ng baklang katabi ko tsaka pa pinakita yung banner na gawa niya. Ay sige, siya na. Umaapaw mga puso sa banner niya. Ang tiyaga naman niyang manggupit at mandikit ah.


Ayun nginitian siya. Todo kilig naman at nasabunutan pa sa kilig yung sa harap niya. Walang hiya talaga tong kabayong to. Hahahaha.

Oy teka ayan na, may sasabihin siyaaaa.

"Cath. I need to talk to you right now." Ah?


"Bakit? Anong meron?" Bakit kailangan naming mag-usap? Ay tanga naman. Edi sasabihin na niya.


Ang ano? Eh?


"Basta. Sab, Abby. Pahiram muna neto ah. Thanks, bye." Wow ah, hila lang siya ng hila. Bakit kasi tumango yung dalawa. Manonood pa ako e. Naman!


"Uy san tayo pupunta? Papanoorin ko pa kuya ni Sab." Tss asar pwede naman mamaya e.

"Sorry." Anong pinagsasabi neto? Sorry sa bigla nalang paghila sa akin kaya nasa field na kami ngayon? Ano to, trip niyang magvolleyball?

"Sorry?"


"Yung kanina, hindi ko nasabi sayo na kakantahan kita. Wag mo sanang bigyan ng malisya kase, diba, alam mo namang wala akong ibang kaclose dito. Ikaw lang kaclose ko sa lahat ng mga babae dito. Baka kasi isipin ng iba na, alam mo na. Sorry din kase sabi ko bestfriends tayo. I assumed. Alam ko kase kaibigan palang turing mo sakin e. Pero believe me, para sayo talaga yung kanta. Pinili ko talaga yun para mag-fit siya para sayo. So, bestfriends?" Sa dami ng inexplain mo, pansin ko lang, ang cute mo pala. Hahahahahaha. Damn you Cath, anong pinagsasabi mo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Partner :) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon