SAB’S POV
Pagdating naming sa court ni Cath, napansin kong nawawala yung wallet tsaka panyo ko. Nakalimutan ko ata sa canteen kanina habang bumibili si Cath. Nagpaalam muna ako saglit sakanya tsaka ko yun binalikan. Sana andun pa siya. Wala naman masyadong tao sa canteen eh.
LANCE’S POV
Ngayong araw nato, may laro kami ng basketball, kalaban ang ibang school. Ang Mary Magdalene Academy o MMA.
(A/N: Huwag niyo ng isipin kung saan yan. Hula ko lang yang school na yan kaya ewan ko lang kung meron. XD pero sa tingin ko wala. Hahaha. Peace guys! :))
Kami ang home, sila ang guest. Kaya dapat manalo kami.
Bago kami magbihis ng barkada ko (MJ & Kyle) nakita ko si Sab, palakad-lakad sa canteen.Kaya pina-una ko na sila at pupuntahan ko pa si Sab. Wala siyang kasama. Si Abby kasi cheerleader, malamang nagbibihis na rin yun. Si Cath, ewan ko lang dun.
Ehem, ehem, para sabihin ko sainyo, ang macho, mabait, at gwapong si Lance ay Varsity player! J Walang biro mga nagbabasa, isa yun sa mga totoong sinabi ko. Hehehe.
Nilapitan ko si Sab.
“Ano namang naisip mo at napunta ka dito?” nasa likod niya ako nung sinabi ko yun kaya napaharap siya.
“Ikaw nanaman? Ano bang problema mo?” Bad moon lang? inaano ko to?
“Aba grabe ka rin eh no. Ang ayos ng tanong ko. Inaano kita?” sabi ko.
“Tss. Ano bang kailangan mo?” sungit forevs.
“Ang sungit masyado. Gusto ko lang naman panoorin mo akong maglaro mamaya. Promise, magu-good vibes ka!”
“Oh talaga? Pano pag hindi?”
“Hmmm. Tadyakan mo ‘ko ten times.”
“Sige ba!” aba ready ah! Ako hindi. XD
“Sige. Pag-cheer mo rin ako. Gusto ko ng yellow banner na may nakasulat na, ‘Go Lance! I Love You!’” Hahahaha.
“Aba! Ibang klase ka rin no? Gumawa ka mag-isa mo. Diyan ka na nga. Baka tadyakan kita ng wala sa oras.”
Tsaka na siya umalis. Ewan ko ba bakit lagi siyang badtrip sa akin. :3
Pero okay lang yon.
Yes! Manonood siya! :) Humanda kayo MMA!
*evil laugh*
***
FASTFORWARD
***
Natapos ang laro with the score of 71-73.
Grabe kung di ko na-shoot yung huling yon malamang ie-extend pa ng 5 minutes ang laro at baka manalo pa yung kalaban. Galing ko talaga grabe!
At ang Most Valuable Player? Tsk. Nagtaka pa kayo, syempre ako! Walang biro tae seryoso ako! Ako nga.
Pagkatapos ng awarding, nagsialisan na yung ibang estudyante at yung iba, eto nagpapicture. Haha. Wet look daw. Di naman sa nagmamayabang, ayoko talaga kasi diba, nakakaturn-off naman ang baho ko oh! Katatapos lang ng laro tas picture agad. Mga babaeng to talaga di maghintay. XD
Wala na halos tao sa court at kakaunti nalang kami. Naghilamos kaming tatlo tsaka ulit kami bumalik sa court para doon nalang din magbihis (magpalit ng shirt) kasi maraming tao sa room. Ayoko ngang makipagsiksikan dun. Kaya niyaya ko nalang sila dito tutal nandito naman yung mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))