ABBY’S POV
May mga ilang months na din kami dito sa school, actually tapos na ang first exam namin sa buong first quarter. Ang bilis nga eh. Wala namang masyadong nagyayari sa akin. Yung ussual lang, giising sa umaga, mag-aalmusal, mag-aayos, papasok, mag-aaral, magla-lunch, tapos klase ulit, tapos uwian, pag-uwi matutulog, tapos gigising nanaman. Yan lang naman ang daily routine ko.
Well, kasama na din pala sa buhay ko ang pagmu-move on. Wag munang itanong kung sino, I guess hindi pa ito ang tamang oras para sa topic na yan. Kaya nevemind. Teka, alam niyo bang kami ang champion sa interaction nung mga first day pa lang ng klase? Grabe, muntik pa akong awayin ni Lance dun eh. Buti nalang mababait yung si Kyle at Mj. Kasalanan ko kasi, hindi naman ako yung kinakausap eh bigla na lang akong sumasagot, kaya nainis siguro. Baka badtrip, ewan ko lang kung bakit.
Nasa school canteen kami ngayon, lunch break eh. May naririnig ako na malapit na daw ang sports fest. Ang aga ata. Kaya nanigurado ako at tinanong ‘tong mga bestfriend ko.
“Guys, kailan ang sports fest natin?” tanong ko sabay inom nung iced tea.
“Sabi ni Kuya sa Friday na daw?” hindi pa ata sigurado si Sab sa sagot niya
“Oh? Talaga? Ang bilis. Parang last week pa lang nung i-announce yun ah.” Napansin din ata ni Cath na maaga ang sports fest
“Adik! Last month pa nga yun eh.” Pagtatama nama ni Sab. Last month ba talaga yun?
“Ah ganun ba? Sabi ko nga.” Sabi naman ni Cath.
“Gusto niyo pa bang mag-lunch o magkwentuhan na lang?” singit ko, nakakahiya naman kasi kumakain kami. Bakit ko pa kasi natanong yung tungkol dun eh no? Haha
“Sabi nga po namin. Eto na po kakain na.” Kailangan talaga sabay pa silang magsabi nun at pati pagtawa sabay? Haha
At nagsimula na nga kaming kumain at kumain ng tahimik.
MJ’S POV
Nasa bandang sulok kami ng canteen ngayon. Kapag kasi nasa gitnang table kaming tatlo, hindi kami makakin ng maayos, lahat ng mata nasa amin. Naiirita daw kasi si Kyle kaya eto kami sa sulok. Ayaw niya kasi ng ganun, lalo na kapag lumalapit pa yung mga babae sa kanya. Hindi daw siya komportable. Arte no? Parang babae lang. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw niya sa mga babae. Minsan nga naiisip ko na biktima na yan ng heartbreak eh, pero kapag tinatanong namin siya ni Lance, never pa daw siyang nagka-girlfriend. Kaya siguro hindi nagkaka-girlfriend eh dahil nga girl hater.
Madaming students ang excited na para sa sports fest, kaya tinanong ko sila tungkol dun.
“Tol? May team na ba para sa sportsfest sa Friday?” Monday kasi ngayon.
“Ewan.” matamlay na sagot ng dalawa. Ano kayang nangyari sa mga ‘to?
“Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Para kayong pinagbagsakan ng langit at lupa ah.” Sabi ko habang nakataas ang dalawa kong kamay sabay tanong ng “kailan tol? Kailan?” sabi ko, parang baliw lang.
“Tsk. Baliw ka talaga” sabi ni Lance, at naka-ngiti na siya. Ang galing ko namang komedyante.
“Kailan pa ba naging matino yan?” banat naman ni Kyle. Tss. Hindi ba talaga matinong tao?
“Oo nga!” aba’t agree naman ‘tong si Lance kay Kyle dahil nag-apir pa sila.
“Mga baliw! Madami nga akong problema ngayon eh.” Biro ko.
“Weh?” kailangan talaga sabay pa sila?
“Oo nga.” Sagot ko naman.
Bigla namang nag-iba ng usapan si Kyle.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))