SAB'S POV
Hi guysss. Madami na akong di nakukwento sa inyo. Pero alam niyo na ba? Alam niyo na ba na periodical test na namin next week? Second quarter na yun. Tapos na yung first. Ang bilis no? Tapos niyan ga-graduate na si kuya. Wala ng manlilibre sa akin tuwing lunch. :( Kapag lunch kasi hina-hunting ko talaga siya. Tas papalibre ako kahit may pera naman talaga ako. Eh ayaw kong maubos pera ko kaya yun. Haha. Mautak po ako. XD Opo totoo yun. Pipilitin ko siyang ilibre niya ko, bandang una ayaw niya, tas kukulitan ko pa hanggang sa ililibre din ako. Haha. Pero kapag nagmamadali ako di ako nagpapalibre sakanya.
As I said a while ago, malapit na ang exam. Kailangan ko ng magreview! Para ako maging top one this third year! Yehey! Ako po kasi yung top one since first year. Paano? Wala naman. Basta study hard lang, no lovelife. Kahit crush wala po ako, seriously wala talaga. Abnormal daw ako sabi nila Cath at Abby kasi wala ako nun. Tsk. Di ko naman pinapansin kasi di naman talaga ako abnormal. Pasalamat nga sila may tutor sila pagdating sa lesson eh. Yung kasing isa nabroken-heart na kaya ako binubuyset. Yung isa naman ayaw i-share kung sino crush niya. Di raw niya alam kung anong pangalan, aalamin daw muna niya. Sira ulo talaga mga kaibigan ko no? Sanay na ako sa mga yan. Totoong kaibigan naman kaya nga nagtagal kami. Yieh. Sana maka-four years ko sila. Four years na kaklase.
Nasa school ako/kami ngayon. Kasasabi pa lang ng teacher namin yung tungkol dun sa periodical test kaya eto yung mga bukangbibig ng mga kaklase ko.
"Periodical na agad?" sabi nung classmate naming lalake sa harap. Nahiya pa siya nung tingnan siya eh.
"Bakit ang bilis?" sabi ng sa likod ko. Lalaki yan.
"Next month pa dapat yun diba?" tanong ng sa harapan ko.
"Oo nga." agree yung katabi niya.
"Agad-agad?" si Abby. -.-
"May diniscuss na ba?" sabi ni Andrew, katabi niyang lalaki na tumatawa-tawa nung nakatulog siya.
"Grabe wag muna po." si Cath. :3 Isa pa to
"Ay ang daya." di ko alam san ko narinig yan. Haha
"Next week? Are you serious?" si Niell, Niell Horan. ang ultimate crush sa third year. Horan. Pang-1D no? Tas yung pangalan Niell Horan. Niall Horan yung sa One Direction eh. Baka kapatid niya? Half british kaya siya. Homay. Ngayon ko lang naisip? XD Ge, stop na about sakanya. Di kami close. XD
"Di pa po namin gets yung ibang lesson." sabi ng barkada niya. Magdaldalan kasi kayo kapag nagdi-discuss -.-
"Extend niyo po miss!" hay nakooooo!!!
Oh, ha? Parang magpo-protesta eh. Mga di marunong makinig kasi. :3 Haha.
Nainis yung teacher ata. Pagkatapos mag-ring ng bell umalis na siya.
Fastforward
Nasa canteen kami kasi break. Kasama ko yung dalawa kong bestfriend.
"Oy Sab, turuan mo nga ako sa math. May method kasi dun 'di ko gets eh." sabi ni Cath habang sinusubo yung donut. Ang takaw talaga ng babaeng to.
"Wag ka ngang magsalita pag kumakain ka. Lalo kang pumapangit." sabi ko. Natawa si Abby kaya muntikan na niyang mabuga yung iniinom niyang iced tea. Grabe naman pala.
"Ayy Abby, wag kasing tatawa habang umiinom." sabi ko.
Pagkatapos isubo ni Cath yung donut at nainom ni Abby yung iced tea. Tumawa sila. Oo talagang nakuha pa nilang tumawa. Si Cath pamatay yung tawa niya eh. Maka-tawa parang wala ng bukas, hanggang di niya nakakalimutan yun, di yan hihinto sa katatawa. Parang baliw lang. XD
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Genç KurguIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))