CATH'S POV
"Oy Catherine May! May balak ka pa bang gumising dyan? Mag-aalas dose na uy!" sigaw ni kuya Kurt mula sa saradong pinto ng kwarto ko.
"Ano ba! Sabing wag bubuuin yung pangalan ko! Nakakainis ka kuya!" sigaw ko pabalik. Ayoko ng tinatawag ako sa buong pangalan ko eh. Masyadong pambabae. Ang arte pakinggan. :3
"Ate kain na. 12:00 na kaya." narinig ko namang tawag sa akin ni Ronron (Tyrone).
Dali-dali akong bumangon dahil sa narinig kong sabi ng kapatid ko.
Lang'ya?! Di nga? 12 na?
Hala patay ako nito kay Kyle!
Kinuha ko bigla yung phone ko at chineck kung 12 na nga.
At yun, 12 nga. Nakita ko rin yung text at mga call na na-missed ko galing lahat kay Kyle. Patay na talaga! -____________-
Bumangon ako at naghilamos tsaka kumain ng bahagya. Actually hindi bahagya kasi gutom talaga ako. Tapos kung ano pang tinatanong sa akin ng mga kasama ko dito. Kaming apat lang nila kuya kasi wala si mama. Nag-grocery daw. Baka kasama din si papa.
"Bakit ngayon ka lang gumising?" tanong ni Kuya Xander pagka-upo ko. Di man excited no?
"Ka-text niyan buong gabi si kuya... ano kasing pangalan nun? Yung mayaman. Si kuya..." sige hula pa bunso. Asa ka namang magpupuyat ako dahil katext ko yung mahangin na yun no!
"Nagmemorize ako dun sa AP. Papasok na ako bukas at periodic exam namin. Napuyat ako dun. Oh, ano, may tanong pa?" sabi ko tsaka sumubo. Kalalaking tao puro chismis ang alam.
"Boyfriend mo na ba yun ate?" bigla naman akong nabulunan sa sinabi ni Ronron. Sira tong batang to ah!
Uminom muna ako saglit habang lahat ng mata ay sa akin nakatingin.Naghihintay ng sagot ang tatlo. :3
"Ano ba kayo? Grabe ka naman mag-isip Ron! Hindi ah! Kumain ka na nga. Parang andun lang ng ilang araw kami na agad? Asa siya." sabi ko pa.
"Bagay naman kayo eh." pagbibiro ni kuya Kurt. Si kuya Xander nakangiti lang habang pinagmamasdan kami.
"Kuya kain na." inis kong alok sakanya. Eh pano kasi, inuna pa yung pagtatanong sa pagkain.
"Kinikilig ka lang niyan eh. Yiehh. Hahaha." pang-iinis pa niya.
"Baka kiligin pa sa akin yung anim na na babaeng to kapag binigay ko na sakanila phone number mo." Tsaka ko kinuha yung phone ko para halatang ibibigay ko talaga yung number niya. "Oh, may textmate kana nun." dagdag ko pa.
Mabilis niya naman kinuha sa akin yun tsaka sinabing. "Wag ka nga. Kain na tayo. Ililibre nalang kita mamaya sige." Yey! Nice. Nalibre pa ako. Ang dali talaga utuin minsan nitong si kuya. Hahaha.
"Ay punta ako niyan kina Kyle eh. Review pa ulit kami. Bukas nalang yung libre mo sa akin no kuya." tsaka pa akong pangiti-ngiti ng nakakaloko. Hahaha.
"Ano ba yan. Gusto ko pa naman gumala ngayon." sabi niya tsaka pa sumubo.
"Ay nga pala, mamaya sunduin mo ako no? Kina Kyle. Kunin natin yung ibang gamit ko sakanila. Di ko lahat nadala kagabi eh."
"Sige text ka nalang." sabi niya tsaka na ako tumayo para maligo. Nagmamadali kasi talaga ako eh. 7 kaya usapan namin. Tas quarter to 1 na. Awts.
"Kuya pasabi nalang kay mama magre-review kami ah. Tapos sunduin mo ako mamaya. Bye!" tsaka ako lumabas tapos pumasok ulit. "Phone ko pala?" tsaka ko kinuha kay kuya Kurt. Tsaka na ako umalis.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))